1

CFC Covenant Orientation Talk No. 3 – STRENGTHENING FAMILY LIFE (Filipino Version)

 

 

Pagpapatibay ng Buhay-Pamilya (Strengthening Family Life)

 

 

A. PANIMULA

 

 

1. Ang Couples for Christ ay isang MINISTRI ng pagpapanibago ng buhay-pamilya ng mga Kristiyano.

 

a) Nais nating alalayan hindi lang ang mag-asawahan, kundi ang pagpapatibay ng mga pamilya rin.

 

b) Iyong tibay ng ating mga pamilya sa CFC ang magtatakda kung hanggang paano tayo gagamitin ng Panginoon para sa Kanyang mga layunin.

 

2. Ang pamilya ang pangunahing yunit o bahagi ng lipunan.

 

a) Ang kalagayan ng bawat pamilya ang magtatakda ng kabuuang kalagayan ng isang lipunan.

 

b) Ang pagkilos natin sa pagpapatibay ng buhay-pamilya ang siyang pinakamabisang paraan para sa pagpapalagong moral ng buong lipunan.

 

 

B. PARAAN NG PAGPAPATIBAY NG BUHAY-PAMILYA

 

 

1. Higit na unawain ang kahulugan ng ating pananagutan (commitment) sa ating kabiyak sa pagpapakasal.

 

a) Ang Pagpapakasal (Marriage) ay isang ugnayan ng mga pananagutan at paglilingkod.

 

• Higit sa damdamin, ito ay nakabatay sa katapatan (fidelity) sa sinumpaang tipan (covenant).

  • Ang pananagutan at paglilingkoday nangangahulugan ng lubos o kumpleto na ipinagkakatiwala ang sarili sa bawat isa. Ito ay ang pagtatwa ng sarili para sa ikabubuti ng kabiyak.

 

b) Marapat na kilalanin natin na una tayong nananagot sa Diyos. Samakatuwid, ang ating damdamin, kagustuhan at inaayawan, lahat ng ating hangarin, ay pawing napapa-ilalim lamang sa hangarin at plano ng Diyos sa atin.

 

c) Sa oras ng paghihirap, maaari tayong dumulog sa Diyos.

 

• Kinikilala na ang Diyos ang siyang arkitekto ng ating kasal, at alam Niya ang pinakamabuti para ito ay gumana.

• “Lumapit sa akin at magpahinga..”

Mateo 11:28-30

“LUMAPIT KAYO SA AKIN, KAYONG LAHAT NA NAHIHIRAPAN AT NABIBIGATANG LUBHA SA INYONG PASANIN, AT KAYO’Y BIBIGYAN KO NG KAPAHINGAHAN. PASANIN NINYO ANG AKING PAMATOK AT SUNDIN NINYO ANG AKING MGA ITINUTURO SAPAGKAT AKO’Y MAAMO AT MAPAGKUMBABANG-LOOB.

MATATAGPUAN NINYO SA AKIN ANG KAPAHINGAHAN SAPAGKAT MADALING DALHIN ANG AKING PAMATOK AT MAGAAN ANG PASANING IBINIBIGAY KO SA INYO.”

 

 

2. Isabuhay nang ganap ang mga prinsipyo ng personal na pakikipag-ugnayang Kristiyano.

 

a) Bago pa man tayo mag-asawa, tayo ay magkapatid muna sa Panginoon.

 

• Ang Kristiyanong kasal ay isang uri lang ng personal na pakikipag-ugnayan o relasyong Kristiyano.

  • Kahit sa anumang personal na pakikipag-ugnayang Kristiyano, kailangang maipamalas natin sa pang-araw-araw na pamumuhay ang bunga ng Espiritu Santo. Tayo ay inaasahang mahalin at paglingkuran ang bawat isa, pamahalaan ang damdamin sa wastong paraan, at iba pa.

  • Itong kanya-kanya ngunit magka-ugnay na pagsasabuhay ng mag-asawa sa katuruan ng Bagong Tipantungkol sa sariling pagkatao at pakikipagrelasyong Kristiyano, ay magiging malaking bahagi ng kanilang pagsasabuhay ng pananagutan sa bawat isa bilang magkabiyak.

 

b) Ang kahingian ng personal na pakikipag-ugnayang Kristiyanoay higit pa sa pagsasagawa ng makataong pag-uugali. Tinatawag tayo sa pagmamahal na walang kundisyon at sa paglilingkod.

 

Mateo 5:44-48

“NGUNIT SINASABI KO SA INYO: IBIGIN NINYO ANG INYONG MGA KAAWAY. PAGPALAIN NINYO ANG MGA NAPOPOOT SA INYO.GAWAN NINYO NG MABUTI ANG MGA NAGAGALIT SA INYO.IPANALANGIN NINYO ANG MGA UMAALIPUSTA SA INYO AT ANG MGA UMUUSIG SA INYO.ITO AY UPANG KAYO AY MAGIGING MGA ANAK NG INYONG AMA NA NASA LANGIT SAPAGKAT PINASISIKAT NIYA ANG KANIYANG ARAW SA MGA MASAMA AT SA MGA MABUTI. AT BINIBIGYAN NIYA NG ULAN ANG MGA MATUWID AT ANG MGA HINDI MATUWID.

ITO AY SAPAGKAT KUNG ANG IIBIGIN LAMANG NINYO AY ANG MGA UMIIBIG SA INYO, ANONG GANTIMPALA ANG INYONG MAKAKAMIT? HINDI BA GANYAN DIN ANG GINAGAWA NG MGA MANININGIL NG BUWIS?KAPAG ANG MGA KAPATID LAMANG NINYO ANG INYONG BABATIIN, ANO ANG KAHIGITAN NINYO SA IBA?HINDI BA GANYAN DIN ANG GINAGAWA NG MGA MANININGIL NG BUWIS?

KAYA NGA, KAYO AY MAGPAKAGANAP TULAD NG INYONG AMA NA NASA LANGIT AY GANAP.”

 

 

3. Gawin ang tirahan na gitna ng buhay-pamilya.

 

a) Sa dumadaming pamilya, ang relasyon sa pagitan ng mga magulang at mga anak ay higit na humihina kaysa inaasahan.

 

  • Ang mga magulang ay hindi sapat na nakapaglalaan ng panahon para sa mga anak. Madalas na sila ay may ibang pinagkaka-abalahan at hindi masumpungan, sa pisikal man o sikolohikal (psychological) na paraan.

  • Ang mga anak ay pinaglalabanan ang mga panuto o direksyon, at walang koneksyon sa mga kahilingan, pag-asal, at paniniwala ng magulang nila.

 

b) Nangyayari ang ganitong mahinang relasyon sa pamilya dahil ang tirahan ay hindi na sentro ng hanapbuhay, edukasyon, at pag-alaga ng maysakit at nakatatanda. Dagdag na resulta pa nga nito, ang tirahan ay hindi na puno ng gawaing kailangan para sa buhay-pamilya, na kapapalooban ng pagsasama ng mga magulang at mga anak.

 

c) Kung kaya ang mga pamilya ay nararapat na bumuo ng mga pagkakataon upang mapalaganap ang sakop ng mga tungkulin at gawain sa loob ng tahanan, sa mga paraan na pinagsasama-sama ang mga magulang at kanilang mga anak.

 

• Ang tirahan ay gawing tahanan, kung saan ang mga miyembro ng pamilya ay nakakaranas ng pagmamahalan, mainit na pagtanggap, at pagpapalakas ng kalooban.

• Ang mga magulang ay kailangang magpasya na ibalik ang buhay ng tahanan, at maglaan ng oras para dito (halimbawa -pagkain nang magkakasabay, paglilibang ng mag-anak, sama-samang pagtapos ng gawaing-bahay, at iba pa).

• Ang mahalagang elemento dito ay hindi sa kung ano ang ginagawa, kundi sa uri at pag-unlad ng relasyon o pakikipag-ugnayan ng mga miyembro ng pamilya.

 

 

4. Makipag-ugnayan sa iba pang Kristiyanong pamilya.

 

a) Hindi lamang ang ugnayan ng magulang at anak ang nanghina, gayundin ang inter-aksyon sa pagitan ng mga henerasyon.

 

• Sa paghahanapbuhay lalo sa pangangamuhan (employment), sa eksena ng paglilibang at maging sa edukasyon, ang mga tao ay pinagsasama-sama ayon sa kanilang edad, at nakabukod sa higit na nakatatanda o nakababata ng tukoy na grupo.

• Ang magkakahiwalay na mundo ng mga batang paslit, mga kabataang lumalaki pa lang, at mga nakatatanda at may-edad na, ay nagreresulta na ang mga miyembro ng pamilya ay mailagay sa di-magkaugnay na pagpangkat-pangkat ng lipunan.

• Ang resulta naman nito ay ang nangungunang aspeto sa pagpapahina ng relasyon ng magulang at anak, lalo na sa kakayahan ng mga magulang na hubugin ang mga bata sa pagsisimula ng kanilang pagpasok sa eskwela.

 

b) Kung kaya nga ang mga Kristiyanong pamilya ay dapat na laging naghahanap ng pagkakataon na ibahagi ang buhay sa bawat isa.

 

• Mapapaunlad ulit ang relasyon ng Kristiyanong mga pamilya – sa paghahanapbuhay nang sama-sama, sa pagkakaroon ng karaniwang buhay sa lipunan o isang pamayanan, at sa pagtutulungan ng bawat isa sa pamamagitan ng iba-ibang paraan na makakasakop sa mga nakararami, anuman ang kanilang edad.

• Halimbawa ng mga matutupad na gawain – pagdiriwang ng Araw ng Panginoon (Lord’s Day), sama-samang pagbabakasyon, maghapong paglilibang ng mag-anak (outing), at iba pa.

 

c) Magandang simulain – tayo nga ay narito na sa ganitong umuunlad na ugnayan ng mga Kristiyanong mag-anak.

 

• Mayroon tayong Family Ministries (may nakalaan para sa lahat ng miyembro ng pamilya), na sa pamamagitan ng mga ito ay nagkakaroon tayo ng mas maraming gawain na magkakasama nating matutupad.

• Alam natin na hindi tayo nag-iisa o konti sa ating paghahangad na mapalakas ang ating Kristiyanong buhay-pamilya.

 

 

5. Ipatupad ang higit na pag-aawat o kontrol sa paggamit ng mass media at oras ng pamilya natin.

 

a) Maraming pamilya ang hindimadiin na hinaharap ang pag-iral ng MASS MEDIA. Ang media ay madalas na may di-matapos na pag-iral o impluwensiya sa maraming pamilya.

 

  • Ang paghubog ng mga batang kaisipan ay halos nai-asa na nang tuluyan samga Industriya ng Impormasyon (Information Industry, kabilang ang mga nagbabalita pati na ang Internet) at Industriya ng Pag-aliw (Entertainment Industry, mga gumagawa ng programa ng libangan).

  • Gayundin, pinapahina ng media ang mga gawain at pakikipag-usap sa loob ng pamilya.

 

b) Dapat na bantayan natin at pamahalaan ang pagdating ng mga aklat, iba pang babasahin, komiks, mga tugtugin, at maging mga programa sa radyo at telebisyon, sa loob ng tahanan.

 

• Pagpasyahan kung ano ang maaaring umiral sa loob ng bahay tungkol sa MASS MEDIA.

• Pagpasyahan ang haba ng oras ng pag-iral ng MASS MEDIA, tulad ng panonood ng telebisyon.

 

c) Dahil na rin sa limitadong panahon na nagkakasama-sama ang pamilya, itakda ang dapat unahin (priorities) at mamahala sa oras nang naaayon.

 

• Ang mga magulang at mga anak ay hindi dapat magumon sa kanya-kanya nilang pinagkaka-abalahan na nagiging dahilan ng kakulangan ng de-kalidad na oras (quality time) para sa pamilya.

• Nararapat din na maging malikhain tayo sa pagbuo ng libangang pampamilya. Ang layunin natin sa ganito ay magkaroon ng pag-aaliw, kapahingahan, katuwaan, kapatiran, paghuhubog at pag-unlad ng mga miyembro ng pamilya.

 

 

6. Bumuo ng mga Kristiyanong pagpangkat-pangkat para sa mga kabataan.

 

a) Ang pagpangkat-pangkat ayon sa edad ay mahalaga.

 

• Itong pagpangkat-pangkat ayon sa edaday may malaking impluwensiya sa buhay ng mga kabataan.

• Hindi naman natin aalisin ang ganito, kundi gagabayan ang mga kabataan sa tamang direksyon.

 

b) Sikaping mapabilang ang mga kabataan sa ating CFC Family Ministries.

 

• Sila ay makabubuo ng matibay na magkakatuwang na relasyon o pakikipag-ugnayan bilang magkakasing-edad.

• Magkakaroon tayo ng tukoy napagpangkat-pangkat ayon sa edad na hiwalay sa sekular na lipunan, o iyong hindi Kristiyano ang pagkiling.

• Ang mga kabataan ay malalim na matatali sa buhay ng mas malaking katawan ng mananampalataya, ang CFC nga.

 

 

7. Maging pastor o tagapastol ng ating mga anak.

 

a) Ang mga magulang ay dapat kumikilos ng buháy o aktibo sa pagsasanay at paghuhubog ng kanilang mga anak, sa pagkakaroon ng Kristiyanong pananampalataya at pagkatao.

 

b) Ang pinakamatinding mithiin ng pagpapalaki at paghubog sa ating mga anak ay hindi upang magawa nila ang gusto nating mga magulang, kundi ang matupad nila ang kapalarang itinakda ng Diyos.

 

• Ang mithiin natin ay hubugin sila para sa kanilang buhay, ang makapagtanim sa kanila ng Kristiyanong pagtatangi at pagpapahalaga. Dapat lang na ibigay natin sa kanila ang ganitong Kristiyanong pamana.

• Halimbawa – mga Israelita

Deuteronomio 6:20-25

KAPAG DUMATING ANG ARAW NA ITANONG NG INYONG MGA ANAK KUNG BAKIT KAYO BINIGYAN NI YAHWEH NG MGA KAUTUSAN AT TUNTUNIN, GANITO ANG SABIHIN NINYO:

“NOONG ARAW, INALIPIN KAMI NG FARAON SA EGIPTO. PINALAYA KAMI ROON NI YAHWEH SA PAMAMAGITAN NG KANYANG KAPANGYARIHAN. NASAKSIHAN NAMIN ANG MARAMING KABABALAGHANG GINAWA NIYA LABAN SA FARAON AT MGA EGIPCIO. INILABAS NIYA KAMI SA EGIPTO UPANG DALHIN SA LUPAING IPINANGAKO NIYA SA ATING MGA NINUNO.

IBINIGAY NIYA SA AMIN ANG MGA KAUTUSAN AT TUNTUNING ITO UPANG MAGTAGLAY KAMI NG TAKOT SA KANYA.SA GAYON, SASAGANA TAYO AT IINGATAN NIYANG TULAD NG GINAGAWA NIYA SA ATIN NGAYON. KALULUGDAN TAYO NG DIYOS NATING SI YAHWEH KUNG SUSUNDIN NATIN NG BUONG KATAPATAN ANG LAHAT NG IPINAG-UUTOS NIYA SA ATIN.”

 

c) Kailangang maging masidhi tayo na akuin ang pagkukusa – higit sa ginagawa ng mga paaralan, ng iba-ibang pangkat, at kahit ng media.

 

d) Ang panalangin ay kailangan para maisagawa ang kabuuan ng buhay-Kristiyano; ang pananalangin nang sama-sama at personal na panalangin ay parehong mahalaga.

 

 

C. PAGLALAGOM

 

 

1. Ang Pinagpalang Papa Juan Pablo Ikalawa (ngayon nga ay ganap nang SANTO) ay nagpa-alalala sa pamamagitan ng dokumentong Familiaris Consortio – “Ang kinabukasan ng buong sangkatauhan ay nakasalalay sa mga pamilya.”

 

 

2. Kailangan nating mapagtibay ang buhay-Kristiyano ng mga pamilya, upang maipagtanggol ang likha ng Diyos, at tuluyang mapagbago ang mukha ng mundo.

 

 

Gabay sa Participants: PANSARILING PAGNINILAY

 

 

1. Itinataguyod ko ba ang aming pamilya ayon sa mga prinsipyo ng tunay na Kristiyano?

 

 

2. Panginoon, patawarin ninyo ako sa mga paraan na ako ay sumablay. Pagkalooban ninyo ako ng grasya na makapagsimulang muli, at mapalago ang aming pamilya para sa iyo.

 

 

One Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *