0

CFC Cavite Sector 2 ANCOP Global Walk 2018 Venue

Narito po sa itaas ang “Vicinity Map” ng venue para sa Ancop Global Walk na isasagawa ng CFC Cavite Sector 2, na pinapastol nina Bro Dondon at Sis Genie Sisperez. Sa ibaba naman po ay makikita ang kaparehong mapa na may idinagdag na detalye tungkol sa mismong AGW na gaganapin.

Sa mga mas malapit o pamilyar sa Citihomes Subdivision, sa Greenbreeze Avenue na ang daan, kailangang lampasan ang kalyeng tinutumbok ng First Uniting School, para makarating sa Greenbreeze Covered Court na ating Gathering Venue.

Sa mga mas malapit o pamilyar sa Barangay Hall ng Langkaan 1, sa kalyeng Governor’s Drive ang daan, at liliko na sa kanto ng VNR Hardware na katapat ng AMA Computer College — ang kalyeng ito ay Greenbreeze Avenue na mismo.

Sa unahan o entrada ng kalyeng papunta sa Gathering Venue ay maglalagay po ng mga bandera bilang palatandaan para sa lahat ng dadalo.

Para sa karagdagang info, paki-contact po sina Bro Loy Felonia (09287765965) o Bro Ruel Valenzuela (09272005633) na nangunguna sa service team para sa taong ito.

Salamat po!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *