Ating Kulturang Kristiyano sa CFC
(Our Christian culture in CFC)
A. PANIMULA
1. Mayroon tayong tipanan sa Diyos at sa bawat isa. Tayo ay inilaan para maging bayan ng Diyos, at ang ating buhay ay dapat sumalamin sa malalim na relasyon natin sa Diyos.
2. Higit pa dito, tayo ay tinawag sa CFC nang sama-sama, upang isabuhay ang parehong uri ng pamumuhay. Bahagi ng buhay na ito ay isang natatanging kultura bilang Kristiyano sa pangkalahatan, at partikular bilang CFC.
B. KATURUAN NG BAGONG TIPAN
1. Ano ang ginawa ng Diyos para sa atin?
Colosas 1:13
“SIYA ANG NAGLIGTAS SA ATIN MULA SA KAPAMAHALAAN NG KADILIMAN AT INILIPAT TAYO SA KAHARIAN NG KANIYANG PINAKAMAMAHAL NA ANAK.”
a) Mula sa kadiliman, dinala tayo sa kaharian ng Diyos.
b) Tayong mga Kristiyano, dahil sa ating muling pagsilang kay Cristo, ay isa nang bagong bayan, bayan ng Diyos, na mayroong bagong paraan ng pamumuhay na tumutugma sa kalikasan at layunin ng Diyos.
2. Ano ang dapat nating tugon?
Efeso 4:17 – Namumuhay Bilang mga Anak ng Liwanag
“KAYA NGA, SINASABI KO ITO AT PINATOTOHANAN SA PANGINOON NA HUWAG NA KAYONG MAMUHAY TULAD NG IBANG MGA GENTIL NA NAMUHAY SA KANILANG PAG-IISIP NA WALANG KABULUHAN.”
a) Sakop nitong paglipat ng kaharian ay ang kongkretong pagbago ng asal.
Efeso 4:22-24
“HUBARIN NINYO ANG DATING PAGKATAO AYON SA DATING PAMUMUHAY NA SINISIRA AYON SA MAPANDAYANG PAGNANASA. MAGPANIBAGO KAYONG MULI SA ESPIRITU NG INYONG KAISIPAN. AT ISUOT NINYO ANG BAGONG PAGKATAO NA AYON SA DIYOS AY NILALANG SA KATUWIRAN AT TOTOONG KABANALAN.”
b) Nagiging dayuhan ang mga tao tungkol sa buhay na nais ng Diyos dahil sa pagbabalewala sa buhay-espirituwal, at nagdudulot ito ng buktot na paraan ng pamumuhay.
Efeso 4:18-19
“ANG KANILANG PANG-UNAWA AY NADIDIMLAN, MGA NAPAHIWALAY SA BUHAY NG DIYOS, DAHIL SA KANILANG KAWALAN NG KAALAMAN, DAHIL SA KATIGASAN NG KANILANG MGA PUSO. SA KANILANG KAWALAN NG PAKIRAMDAM AY ISINUKO NILA ANG KANILANG MGA SARILI SA KAHALAYAN UPANG MAGAWA NILA ANG LAHAT NG KARUMIHAN NA MAY KASAKIMAN.”
Ang anyo ng kultura ng tao ay nakasalalay sa espirituwal na pakikipag-relasyon o ugnayan sa Diyos. Kung hindi natin hayagang kikilalanin at susundin ang isa at tunay na Diyos, magkakaroon ang ating kultura ng mga pagbali sa tunay na pagka-makatuwiran, na madalas na nagdudulot ng imoral na pagkilos.
3. Unawain at yakapin ang ating bagong pagkakakilanlan bilang Kristiyano.
1 Pedro 2:9-11a
“NGUNIT KAYO AY ISANG LAHING HINIRANG, MAKAHARING PAGKA-SASERDOTE, ISANG BANSANG BANAL AT TAONG PAG-AARI NG DIYOS. ITO AY UPANG IPAHAYAG NINYO ANG KANYANG KADAKILAAN NA SIYA RIN NAMAN ANG TUMAWAG SA INYO MULA SA KADILIMAN PATUNGO SA KANYANG KAMANGHA-MANGHANG KALIWANAGAN.
NOONG NAKARAAN, KAYO AY HINDI NIYA BAYAN NGUNIT NGAYON AY BAYAN NA NG DIYOS. NOON AY HINDI KAYO NAGKAMIT NG KAHABAGAN NGUNIT NGAYON AY NAGKAMIT NA NG KAHABAGAN.”
a) Mula sa kadiliman, dinala tayo sa liwanag, sa kaharian ng Diyos.
b) Dati ay walang pagkakakilanlan, ngayon, tayo ay bayan na ng Diyos.
c) Gayundin naman, tayo ay mga dayuhan at pansamantalang nasa paggala lamang dito sa mundo.
• Tayo ay namumuhay sa gitna ng ibang mga tao na ang paraan ng pamumuhay ay iba sa atin.
• Tayo ay mga dayuhang pinayagan lang na maki-panirahan dito sa daigdig. Kahit na nasasakupan tayo ng gobyerno ng bansa o ng anumang teritoryo, tayo ay nabibigkis pa rin ng isang nakahiwalay at natatanging kultura.
C. ANO ANG KULTURA?
1. Kultura = paraan ng pamumuhay ng isang bayan
a) Ito ang pinagsama-samang kabuuan ng nakamtan at natutunang kaugalian ng mga tao, na maituturing na nagpapamalas ng nakagawiang paraan ng pamumuhay. Ito ang kaganapan ng anuman ang bumubuo sa isang bayan.
b) Kasama sa kultura ang pinaniniwalaan ng bayang tinutukoy, kanilang pinapahalagahan, kaayusang panlipunan (social structure), mga gawi, at kahit mga paghahayag (expressions).
2. Ang Kristiyanidad – itong pagsunod kay Jesus – ay isang kultura.
a) Likas na dulot ng paniniwala at pagpapahalagang Kristiyano, tayo ay inaasahang magkaroon ng katangi-tangi at Kristiyanong pamamaraan ng pamumuhay na sumasalamin at sumusuporta sa mga paniniwala at pagpapahalagang ito.
• Inaasahan tayong mga Kristiyano na maging hiwalay o nakabukod mula sa iba pang kultura ng mundo.
• Tama nga lang na ituring ang Kristiyanidad bilang pagtutunggali o paglaban sa ibang kultura (counter-culture).
b) Tayo ay maaring maging Kristiyano at Filipino (o Indian, o Australyano, o iba pa). Pero una sa lahat, tayo ay mga Kristiyano muna.
D. ATING KULTURANG KRISTIYANO SA CFC
1. Ang Couples for Christ ay isang Kristiyanong pamayanan (Christian community) na may natatanging paniniwala, pagpapahalaga at marka o pamamaraan ng pamumuhay.
a) Siyempre, ang ating mga batayang paniniwala at pagpapahalaga ay iyong kinikilala na pareho sa lahat ng tagasunod ni Cristo Jesus.
• Paniniwala: si Jesus ay Panginoon, buhay matapos ang kamatayan, atbp.
• Pagpapahalaga: mga itinuturing na hangarin – halimbawa, katapatan, pagiging maaasahan, karangalan ng buhay, atbp.
b) Dagdag pa dito, binibigyang-diin natin sa CFC ang kahalagahan ng matrimonya at buhay-pamilya sa katuparan ng plano ng Diyos.
2. Ang ating “statement of mission” o paghahayag sa ating tungkulin, ang siyang nagbibigay-direksyon, at pinagmumulan ng dahilan ng ating katauhan.
a) Ang pamilya ay likha ng Diyos at nais niyang manindigan tayo sa pagtatanggol nito.
b) Tayo ay naatasang ibalik ang mga pamilya sa plano ng Diyos.
3. Itong ating “statement of philosophy” o paghahayag ng ugat ng prinsipyo ay naglalaman ng mga paniniwala at pithayang CFC, na siyang gumagabay sa ating tunguhin at misyon.
a) Ang kasal o matrimonya ay di-malulusaw at ginawa ng Diyos para sa kanyang plano ng pagmamahal at pagtutuloy ng paglikha ng buhay.
b) Kapwa mag-asawang lalake at babae ay mayroong pantay na halaga at dignidad. Itong pagsasaayos ng Diyos sa pamilya ay nahahayag sa mga gampanin – ang lalake bilang pangulo at ang babae bilang katuwang.
c) Ang mga magulang ay may pananagutan o responsable sa edukasyon ng kanilang mga anak.
d) Ang pamilya ay nakikibahagi sa buhay at misyon ng Simbahan.
– Panalangin
– Ebanghelisasyon
– Paglilingkod sa kapwa
e) Ang pagpapanibago ng Kristiyanong pamilya ay nagkakaroon ng kaganapan sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo at sa buong paggamit ng mga espirituwal na kaloob.
E. PAGPAPAMALAS NG KULTURANG KRISTIYANO SA CFC
1. Paraan ng pakikitungo sa isa’t-isa
a) Pagdangal at paggalang (honor and respect)
• Ito ay dapat lang para sa dignidad ng bawat isang anak ng Diyos.
• Tayo ay isang pamilya, mga magkakapatid sa Panginoon.
b) Katapatan at pananagutan (loyalty and commitment)
• Tayo ay dapat maging matapat at may pananagutan sa bawat isa at sa katawan ng mananampalataya. Tayo ay dapat nagsasaalang-alang ng makabubuti para sa bawat isa.
• Anumang pagtatalo ay dapat nating ayusin sa ngalan ng Panginoon.
c) Kristiyanong pananalita (Christian speech)
• Ang ating pagsasalita ay may matinding halaga para sa buhay ng katawan ng mananampalataya
Kawikaan 18:21a
ANG BUHAY AT KAMATAYAN AY SA DILA NAKASALALAY.
• Tayo ay dapat umiwas sa paninirang-puri, “tsismis” (gossip), at pagbibirong nakakapanlait o nakakasakit. Ang ating pananalita ay dapat magiliw o nagpapamalas ng pagmamahal.
Colosas 4:6
“SIKAPIN NINYONG LAGING MAGING KAAYA-AYA AT KAPAKI-PAKINABANG ANG INYONG PANANALITA SA KANILA, AT MATUTO KAYONG SUMAGOT NANG TAMA SA SINUMANG NAGTATANONG.”
Efeso 4:29
“HUWAG KAYONG GUMAMIT NG MASASAMANG SALITA; LAGI NINYONG SIKAPIN NA ANG PANGUNGUSAP NINYO’Y MAKAKABUTI AT ANGKOP SA PAGKAKATAON UPANG PAKINABANGAN NG MGA MAKAKARINIG.”
– Magpamalas ng pagpupuri at pagmamalasakit.
– Magtama nang may kababaang-loob.
– Magpahayag ng pananampalataya at kasiyahan.
– Magpakita ng paggalang.
d) Ang ating mithiin sa paraan ng pakikitungo ay maitaguyod ang bawat isa sa pagmamahal, at maitaguyod nga ang katawang ito ng mga mananampalataya, ang CFC.
Efeso 4:15-16
“SA HALIP, SA PAMAMAGITAN NG PAGSASALITA NG KATOTOHANAN SA DIWA NG PAG-IBIG, TAYO’Y DAPAT NA MAGING LUBOS NA KATULAD NI CRISTO NA SIYANG ULO NATING LAHAT.
SA PAMAMAGITAN NIYA, ANG MGA BAHAGING PINAG-UGNAY-UGNAY NG KASUKASUAN AY MAGIGING ISANG KATAWAN; AT KUNG MAAYOS NA GUMAGANAP NG TUNGKULIN ANG BAWAT BAHAGI, ANG BOUNG KATAWAN AY LALAKI AT LALAKAS SA PAMAMAGITAN NG PAG-IBIG.”
2. Pananampalataya – dapat tayo ay mga lalake at babae ng pananampalataya
a) Ano ang pananampalatayang ito? Kamtin ang pananampalataya ng ating mga ninuno.
Hebreo 11 (1-3, 4-40)
“ANG PANANAMPALATAYA AY PAGTITIWALA NA MANGYAYARI ANG ATING MGA INAASAHAN, AT KATIYAKAN TUNGKOL SA MGA BAGAY NA HINDI NAKIKITA. KINALULUGDAN NG DIYOS ANG MGA TAO DAHIL SA KANILANG PANANAMPALATAYA SA KANYA
DAHIL SA PANANAMPALATAYA, NAUUNAWAAN NATIN NA ANG SANLIBUTAN AY NILALANG SA PAMAMAGITAN NG SALITA NG DIYOS, AT ANG MGA BAGAY NA NAKIKITA AY MULA SA MGA HINDI NAKIKITA.”
b) Makaka-asa tayo sa makalangit na pag-aadya (divine providence).
Lucas 12:22-31
SINABI PA NI JESUS SA KANYANG MGA ALAGAD, “KAYA’T SINASABI KO SA INYO: HUWAG KAYONG MABALISA TUNGKOL SA INYONG PAGKAIN PARA MABUHAY O TUNGKOL SA DAMIT NA IBIBIHIS SA INYONG KATAWAN, SAPAGKAT ANG BUHAY AY HIGIT NA MAHALAGA KAYSA PAGKAIN AT ANG KATAWAN KAYSA DAMIT.
TIGNAN NINYO ANG MGA UWAK, HINDI SILA NAGTATANIM NI UMAANI MAN; WALA RIN SILANG BODEGA O KAMALIG; NGUNIT PINAPAKAIN SILA NG DIYOS. HIGIT KAYONG MAHALAGA KAYSA MGA IBON!
SINO SA INYO ANG MAKAPAGPAPAHABA NG KANYANG BUHAY SA PAMAMAGITAN NG PANGAMBA?
KUNG HINDI NINYO MAGAWA ANG GANOONG KALIIT NA BAGAY, BAKIT KAYO NANGANGAMBA TUNGKOL SA IBANG MGA BAGAY?
TIGNAN NINYO ANG MGA BULAKLAK SA PARANG AT UNAWAIN KUNG PAANO SILA LUMALAGO. HINDI SILA NAGTATRABAHO NI HUMAHABI MAN. NGUNIT SINASABI KO SA INYO, KAHIT SI SOLOMON, SA KABILA NG KANYANG KAYAMANAN, AY HINDI NAKAPAGDAMIT NG KASINGGANDA NG ISA SA KANILA.
KUNG DINARAMTAN NG DIYOS ANG MGA DAMO SA PARANG NA BUHAY NGAYON AT KINABUKASA’Y IGINAGATONG SA KALAN, KAYO PA KAYA? KAYLIIT NG INYONG PANANAMPALATAYA SA KANYA!
KAYA’T HUWAG KAYONG LABIS NA MAG-ISIP KUNG SAAN KAYO KUKUHA NG KAKAININ AT IINUMIN. HUWAG NA KAYONG MANGAMBA. ANG MGA BAGAY NA ITO ANG PINAGKAKAABALAHAN NG MGA TAONG DI NANANALIG SA DIYOS. ALAM NG INYONG AMA NA KAILANGAN NINYO ANG LAHAT NG IYAN.
SUBALIT, PAGSIKAPAN MUNA NANG HIGIT SA LAHAT NA KAYO’Y PAGHARIAN NG DIYOS, AT IBIBIGAY NIYA SA INYO ANG LAHAT NG INYONG PANGANGAILANGAN.”
c) Si Jesus ang ating tuon.
Heb 12:2a
“ITUON NATIN ANG ATING PANINGIN KAY JESUS NA SIYANG PINAGMUMULAN AT KABUUAN NG ATING PANANAMPALATAYA.”
3. Panalangin at Banal na Kasulatan
a) Tayo ay dapat na may araw-araw na pakikipag-usap sa Diyos.
Efeso 6:18
“ANG LAHAT NG ITO’Y GAWIN NINYO NA MAY PANALANGIN AT PAGSAMO. MANALANGIN KAYO SA LAHAT NG PAGKAKATAON, SA PATNUBAY NG ESPIRITU. LAGI KAYONG MAGING HANDA, AT PATULOY NA IPANALANGIN ANG LAHAT NG HINIRANG NG DIYOS.”
Colosas 4:2
“MAGING MATIYAGA KAYO SA PANANALANGIN, LAGING HANDA, AT NAGPAPASALAMAT SA DIYOS.”
b) Tayo ay dapat tumatanggap ng karunungan, gabay, at buhay, mula sa Salita ng Diyos.
Colosas 3:16a
“ANG SALITA NI CRISTO’Y HAYAAN NINYONG LUBUSANG MANATILI SA INYONG PUSO. TURUAN NINYO AT PAALALAHANAN ANG ISA’T ISA NANG MAY BUONG KARUNUNGAN. BUONG PUSO KAYONG UMAWIT NG MGA SALMO, MGA HIMNO AT MGA AWITING ESPIRITUWAL, NANG MAY PAGPAPASALAMAT SA DIYOS.”
Hebreo 4:12
ANG SALITA NG DIYOS AY BUHÁY AT MABISA, MAS MATALAS KAYSA ALINMANG TABAK NA SA MAGKABILA’Y MAY TALIM. ITO’Y TUMATAGOS MAGING SA KAIBUTURAN NG KALULUWA AT ESPIRITU, NG MGA KASU-KASUAN AT BUTO, AT NAKAKAALAM NG MGA INIISIP AT BINABALAK NG TAO.
4. Kaayusan sa pamilya
1 Timoteo 3:5
“SAPAGKAT PAANO SIYANG MAKAPANGANGASIWA NANG MAAYOS SA IGLESYA NG DIYOS KUNG HINDI NIYA MAIAYOS ANG SARILI NIYANG PAMILYA?”
a) Ang Kristiyanong pamilya ay nasa pinaka-gitna ng plano ng Diyos. Bilang pangunahing pangkat ng lipunan, ang kalagayan ng mga pamilya ang siyang magdidikta sa kalagayan ng mga lipunan.
b) Kailangan nating pagtibayin ang pamilya.
• Pag-aayos ng Diyos: pangulo (headship) at pagsuko (submission)
Efeso 5:22-25
“MGA BABAE, PASAKOP KAYO SA SARI-SARILI NINYONG ASAWA TULAD NG PAGPAPASAKOP NINYO SA PANGINOON. SAPAGKAT ANG LALAKI ANG ULO NG KANYANG ASAWA, TULAD NI CRISTO NA SIYANG ULO NG IGLESYA, NA KANYANG KATAWAN, AT SIYANG TAGAPAGLIGTAS NITO. KUNG PAANONG NASASAKOP NI CRISTO ANG IGLESYA, GAYUNDIN NAMAN, ANG MGA BABAE AY DAPAT PASAKOP NANG LUBUSAN SA KANILANG ASAWA. MGA LALAKI, MAHALIN NINYO ANG INYONG ASAWA, NA GAYA NG PAGMAMAHAL NI CRISTO SA IGLESYA. INIHANDOG NIYA ANG KANYANG BUHAY PARA SA IGLESYA.”
• Tayo ay dapat nagbibigay ng kaganapan sa mga responsibilidad natin sa Panginoon.
– Esposo: mamahala (govern), maglaan (provide), magtanggol (protect)
– Esposa: kabiyak (partner), katuwang (support), nagtataguyod ng tahanan (homemaker)
– Mga Magulang: palakihin ang mga bata sa Panginoon
“MGA MAGULANG, HUWAG KAYONG GUMAWA NG BAGAY NA IKAGAGALIT NG INYONG MGA ANAK. SA HALIP, PALAKIHIN NINYO SILA AYON SA DISIPLINA AT KATURUAN NG PANGINOON.”
• Panatilihing nariyan si Jesus sa gitna ng inyong buhay-pamilya.
5. Buhay bilang katawan ng mananampalataya
a) Tayo ay isang katawan, na may iisang buhay
• Hindi sarilinan, kundi kapatiran
• Hindi magpunyagi para sa sariling kabanalan, kundi para sa pamayanan
b) Isang mapanghahawakan na paghahayag nito ang HOUSEHOLD
• Isa itong kongkretong pagpapakita ng pagiging “pamilya”.
• Ito ang ating lingguhang tagapawi ng uhaw sa pangangailangang espirituwal o “spiritual filling station”.
• Ito ay isang lugar o pamamaraan upang tunay na mahalin ang ating mga kapatid sa pananampalataya.
c) Gumalang sa kaayusan at pamamahala sa katawan o pamayanan
• Ang isang katawan na ganito, upang maging epektibo at kapaki-pakinabang, ay kailangan ng kaayusan at tagapamahala.
• Naglalagay ang Panginoon ng iba-ibang tao sa posisyon ng pamamahala. Inaasahang sundin at galangin natin sila.
Heb 13:17
“PASAKOP KAYO AT SUMUNOD SA MGA NAMAMAHALA SA INYO. SILA’Y MAY PANANAGUTANG MAMAHALA SA INYO, AT MANANAGOT SILA SA DIYOS UKOL DIYAN.
KUNG SILA’Y SUSUNDIN NINYO, MAGAGALAK SILA SA PAGTUPAD SA KANILANG TUNGKULIN; KUNG HINDI, SILA’Y MAMIMIGHATI, AT HINDI ITO MAKAKABUTI SA INYO.”
d) Kristiyanong pananalapi (Christian finance)
• Mayroon tayong iisa at karaniwang responsibilidad para magbigay ng tuwang o suporta sa gawain ng Diyos.
• Tayo ay inaasahang maglaan sa Panginoon, hindi lamang ng ating panahon (time) at kakayahan (talents), kundi pati yaman (treasure).
• Ang kabuuang gawain ng CFC ay nasusuportahan ng bukal sa puso na pag-aambag ng mga miyembro. Kahit pa ang magbigay ng pera para pamahalaan ng CFC ay HINDI REQUIREMENT para maging miyembro, tayo ay hinihimok na maging mapagbigay.
F. PAGLALAGOM
1. Ang Couples for Christ ay iisang katawan ng mananampalataya sa buong mundo, na mayroong isang tunguhin, isang misyon, at lalo na ang iisang kultura.
2. Nais ng Diyos na makalikha ng isang bagong sangkatauhan, isang uri ng sangkatauhan na isinasabuhay ang buhay na nais niya dito sa mundo. Narito tayo upang magpatotoo sa pagkilos ng Diyos sa ating buhay.
3. Ang ating pagtugon ang magdidikta sa pagiging epektibo ng ating pagpapatotoo. Magpapanatili sa ating pagkakabuklod-buklod, itong ating tugon ng pagsang-ayon, at magbibigay-daan upang maipagkatiwala sa atin ang mga misyong nagmumula din sa Diyos.
You did a good job .
You post very interesting posts here. Your page deserves much more visits!