0

Household Leaders Training Talk 2 – The Household: Purpose, Dynamics, and Leadership (Filipino Version)

 

ANG HOUSEHOLD – LAYUNIN, GALAW, AT PAMUMUNO

(The Household – Purpose, Dynamics, and Leadership)

 

 

A. THE HOUSEHOLD

 

1. PAGPAPAKAHULUGAN

 

 Ang isang HOUSEHOLD ay ang pag-grupo-grupo o paglalagay ng mga mag-asawahan (couples) sa isang grupo na nagsasama-sama sa loob ng isang linggo (week) para sa pagbabahaginan ng sarili (personal sharing), magkatuwang na pag-alalay (mutual support), at paghihikayat (encouragement) sa pagkilala at pagsunod kay Kristo o sa Buhay-Kristiyano.Sa gayon, HOUSEHOLD ay ang pangunahin o batayang grupo na bumubuo sa gawaing pagpapastol (pastoral structure) ng Couples for Christ.

 

2. LAYUNIN

 

 Ang pagkakaroon ng isang grupo na HOUSEHOLD, ay naglalayon na makabuo ng isang gawain at kultura na magbibigay-tulong sa Buhay-Kristiyano ng mga mag-asawahan, at magkaroon ng pamamaraan sa paghikayat at paglago ng buhay-pananampalataya ng lahat ng miyembro. Kung kaya, ang isang grupo na HOUSEHOLD ay:

 

  a. nagbubuo ng pananampalataya sa Diyos at nagiging daan o gawain sa magkatuwang na paghihikayat sa bawat isa sa pamamagitan ng pagbabahaginan ng karanasan sa buhay at sa pagtukoy sa karunungan ng Diyos sa pang-araw-araw na buhay (God’s practical wisdom)

 

  b. nagbibigay ng kapatiran kay Kristo, na kung wala ay kulang ang ligaya at kahulugan ng Buhay-Kristiyano

 

  c. nagbibigay ng pag-alalay sa pangangailangan ng bawat isa

 

  d. tumutulong sa mga tao na labanan ang mga hadlang sa paglago sa buhay-pananampalataya

 

3. PAGBUO

 

 Ang isang grupo na HOUSEHOLD ay binubuo ng lima hanggang pito na mag-asawahan kabilang ang HOUSEHOLD HEAD at kanyang maybahay (ang HOUSEHOLD LEADERS). Ang HOUSEHOLD ay binubuo ng mga miyembro na nagtapos ng CLP (Christian Life Program) at nagsagawa ng pangako na tuparin ang COVENANT ng Couples for Christ.Ang HOUSEHOLD ay binubuo agad sa pagtatapos ng gawaing CLP.

 

 Sa mga susunod na panahon, magkakaroon ng pagkakataon na ang mga grupong HOUSEHOLD ay mag-iiba ng mga miyembro – tinatawag itong REORGANIZATION.

 

4. KAHINGIAN SA PAGIGING BAHAGI NG HOUSEHOLD

 (Necessity of Household Membership)

 

 Bawat mag-asawahan sa CFC ay DAPAT miyembro ng isang HOUSEHOLD. Ang CFC leaders (Household Heads, Unit Heads, Chapter Heads at kanilang maybahay) ay mapapabilang sa HOUSEHOLD para sa pansarili nilang pangangailangan sa kanilang Buhay-Kristiyano. Kaya ang CFC leaders ay nakikiisa sa dalawang grupo na HOUSEHOLD, ang isa ay kasama ang kanilang pinapastol, at ang isa naman ay kasama ang nagpapastol sa kanila.

 

 

B. HOUSEHOLD HEAD

 

1. PAGPAPAKAHULUGAN

 

  a. Ang HOUSEHOLD HEAD ay siyang pinili upang pamunuan o magpastol ng isang HOUSEHOLD.

 

  b. Ang esposo o lalake ang “HOUSEHOLD HEAD”. Ang lalake at kanyang esposa ay HINDI HOUSEHOLD HEADS PAREHO. Ang lalake at kanyang esposa ay “HOUSEHOLD LEADERS”.

 

2. GAMPANIN NG HOUSEHOLD HEAD

 

  a. Siya ang itinalagang mamuno sa grupo ng mag-asawahan at ang may pananagutan (responsible) sa lahat ng gawain ng HOUSEHOLD at sa kaayusan ng pagtitipon o HOUSEHOLD MEETING:

 * pagdalo ng mga miyembro

 * pagbabahaginan / diskusyon

 * pagkilala at paggalang sa bawat isa

 

  b. Siya ang tumatayong KUYA ng grupo:

 * nagtataguyod ng matibay na relasyong personal (personal relationships) sa bawat isa sa kanyang kasapi sa HOUSEHOLD

 * nanghihingi ng tulong para sa kanyang mga miyembro kung kailangan at kung may pagkakataon

 

  c. Tinutulungan niya ang bawat miyembro para lubos na maging kabilang sa HOUSEHOLD at sa pamayanan ng CFC.

 

  d. Wala siyang kapangyarihan para pangunahan ang buhay ng mga miyembro pero nagpaparamdam ng tunay na pagmamalasakit sa buhay nila, lalo na sa pagiging matuwid at kaayusan.

 

  e. Siya ay umaalalay sa buhay ng CFC at sa mga desisyon ng nakatatanda sa pamunuan (elders) :

 

 * hindi ginagamit ang HOUSEHOLD MEETING para ilabas ang kanyang pagtutol o argumento patungkol sa pamunuan ng CFC o mga nakatatanda dito; sa pagkakataon ng di-pagsang-ayon ay inilalapit ito sa kanilang UNIT HEAD.

 * lubos ang pag-alalay sa anumang desisyon tungkol sa paglipat-lipat ng mag-asawahang miyembro sa anumang HOUSEHOLD, at tinutulungan ang mga mag-asawahang dumaranas nito para mapadali ang naturang paglipat

 

3. GAMPANIN NG MAYBAHAY NG HOUSEHOLD HEAD

 

  a. Siya ay may pananagutan sa paghubog at pagpapalago ng samahan ng mga esposa ng mga kasama sa HOUSEHOLD bilang magkakapatid

 

  b. Siya ay kumikilos para sa kaayusan ng mga diskusyon at pagbabahaginan ng mga esposa tuwing ginaganap ang HOUSEHOLD MEETING.

 

  c. Tinitiyak niya na ang lahat ng esposa ay lubos na kabilang sa HOUSEHOLD at sa pamayanan ng CFC.

 

  d. Hindi siya ang nagsisilbing ulo o nangunguna (headship) sa mga esposa, na pinapanguluhan ng kanilang kabiyak na lalake

 

4. KATANGIAN / KAHINGIAN NG HOUSEHOLD HEAD

 

 Ang HOUSEHOLD HEAD ay pinipili batay sa mga sumusunod na katangian:

 

  a. Kakayahang makapaglaan ng panahon (Availability)

 

  b. Paghuhubog (Formation)

 * paglago sa buhay-pananampalataya

 * may kaayusan ang pamumuhay, lalo na sa relasyon nila ng kanyang esposa

 * maayos na pagkilala at pagkakaunawa sa mithiin, misyon, at kultura ng CFC

 * matapat sa mga pangako (commitments) ng CFC

 

  c. Pansariling Karakter

 * panatag ang kalagayang emosyunal (emotionally stable)

 * handa at may kakayahan na tumanggap ng direksyon at pagtatama

 * may magandang reputasyon

 

  d. Kakayahan

 * kayang magpadaloy ng diskusyon sa mga grupo (handle discussion groups)

 * husay sa pakikinig at pakikipagtalastasan (good listening and communication)

 * kayang magbigay ng sapat na direksyon sa ibang miyembro tungkol sa mga pangako ng pagiging CFC

 

  e. miyembro ng CFC sa loob man lang ng isang taon

 

5. PAG-UUGALI NG HOUSEHOLD HEAD

 

 Upang maayos na makaganap sa paraang tunay na nakatutulong sa mga miyembro ng HOUSEHOLD GROUP, ang isang HOUSEHOLD HEAD ay dapat nagsisikap na magkaroon ng ilang batayang pag-uugali:

 

  a. Dapat mayroon siyang isip at puso ng isang alagad. (He must have the mind and heart of a servant.) Tulad ni Hesus, dapat ay nakatuon siya para makapaglingkod at hindi upang paglingkuran. Ang kanyang gawang-paglilingkod (service) ay dapat na nagpapamalas ng kanyang pagmamahal sa Panginoon. Siya ay dapat may kababaang-loob sa kanyang paglilingkod at inuuna ang kapakanan ng kanyang pinapastulan. Siya ay dapat na masunurin sa Panginoon at sa mga taong pinili ng Panginoon upang mangasiwa sa kanyang gawang-paglilingkod.

 

  b. Ang paningin niya sa mga mag-asawahan na kanyang pinapastol ay kaloob ng Panginoon upang alagaan nang maayos. Siya ay may pananagutan upang pagyamanin ang kanilang ispirituwal na kalagayan (spiritual welfare), isang gawain na nagmula mismo sa Panginoon.

 

  c. Dapat niyang mahalin ang kanyang pinapastol bilang mga kapatid – ang mga ito ay hindi lang malalapit na kaibigan, kundi bahagi mismo ng kanyang pamilya.

 

  d. Dapat siyang maglingkod ng may kagalakan. Anuman ang hinaharap na suliranin ninuman, gaano man kapangit o kasama ang maghapong nagdaan, anuman ang pinagdadaanan ng kanyang ugnayan sa kanyang maybahay sa kasalukuyan – ang HOUSEHOLD HEAD ay dapat na may kasiyahan para sa Panginoon, galak sa paglilingkod sa Panginoon, na mangingibabaw sa lahat ng makamundong suliranin. Siyempre pa, kung paano niya naipapakita ang ganitong kagalakan ay nagdudulot ng buháy na halimbawa para sa kanyang pinapastol.

 

  e. Dapat siyang maglingkod na may tiwala at pananalig. Dapat niyang maunawaan na dahil ang Panginoon ang tumawag sa kanya para sa ganitong gampanin, ang Panginoon din ang magbibigay sa kanya ng karunungan, gabay, at handog (spiritual gifts) upang maging ganap na kasangkapan ng Kagustuhan ng Panginoon (The Lord’s Will).

 

6. ILANG ASPETO NG PAGSUBOK

 

 Ang HOUSEHOLD HEAD ay hindi inaasahang pangunahan nang ganap ang gawaing pagpapastol (pastoral headship) sa kanyang grupo, pero kinikilala na karaniwan lang na makaranas siya ng pagsubok sa ganitong pagpapastol (pastoral challenges) na hindi maiiwasan at hindi rin naman dapat takasan, mga bagay o kaganapan na dapat isangguni o ihingi ng tulong mula sa nakatatanda sa pamunuan.

 

 Itong HOUSEHOLD HEAD – ang lahat ng kinakaharap niya / nila bilang grupo, na mga pagsubok sa pagpapastol – ay dapat na ipinagbibigay-alam sa kanilang UNIT HEAD, na siyang tumatayong PASTOR ng lahat sa UNIT, kabilang ang mga HOUSEHOLD GROUPS. Siyempre pa, ang UNIT HEAD ay makapagbibigay ng direksyon sa HOUSEHOLD HEAD para tugunan ang ganitong pagsubok sa sarili nilang kakayahan bagaman may konting payo mula sa kanya bilang lider.

 

 Ngunit ang pagsubok sa pagpapastol na kinakaharap ng HOUSEHOLD HEAD ay pananagutan at gampanin ng UNIT HEAD. Kapag inihalintulad sa loob ng pamilya, ang HOUSEHOLD HEAD ang tumatayong KUYA at ang UNIT HEAD ang siya namang AMA.

 

 Halimbawa ng mga usapin na dapat isangguni sa UNIT HEAD:

 

  a. matinding problema sa pagitan ng lalake at babaeng mag-asawa (husband and wife)

 

  b. isyu na nakaka-apekto sa loob ng UNIT o kabilang ang iba pang UNIT, tulad ng pagpapautang na walang naaayon na konsultasyon o pagtatapos (clearance)

 

  c. kawalang-katapatan ng miyembro sa mga pagtitipon, na nangangailangan ng pagpapasya kung dapat pang panatilihin o alisin ang isang mag-asawa mula sa CFC

 

  d. paninirang-puri o tsismis na nagreresulta ng pagkasira ng samahan

 

  e. matinding pagkakasala

 

  f. mga isyung moral at theological, tulad ng buwis, panunuhol at panggigipit, kapatawaran, mga sakramento, atbp. (katuruang Kristiyano na di-matanggap o di-masunod)

 

  g. pagkakaroon ng malapit na relasyon sa mga grupo o samahan na di-binyagan bilang Kristiyano

 

7. PAGSASAALANG-ALANG (Practical Considerations)

 

 Ilan sa mga tiyak na bagay na dapat isaalang-alang o gawin ng HOUSEHOLD HEAD:

 

  a. Tukuyin ang karaniwang aspeto para sa pagdaos ng HOUSEHOLD MEETING:

 * lugar ng pagtitipon

 * usapin (topics) para sa diskusyon o bahaginan

 * mapag-bahagi ang miyembro na kulang sa pagbabahagi

 * mabigyang-limitasyon ang miyembro na sumosobra sa pagbabahagi

 * pagpigil sa anumang uri ng paninirang-puri habang nagtitipon

 * mabigyang-diin ang naayon na diskusyon at panatilihin ang ganito

 

  b. Lubusang pagkilala sa bawat miyembro:

 * tulad ng pagtatala tungkol sa bawat isa (keeping notes)

 

  c. Pagiging madasalin

 * ipinagdarasal ang bawat miyembro sa oras ng kanyang pansariling pananalangin (personal prayer time)

 * nagdarasal bago magsimula ang HOUSEHOLD MEETING at ipinagkakatiwala ito sa Panginoon

 * hayagang ipinagdarasal ang miyembro (praying over) kapag hinihingi ng pagkakataon (kaarawan, anibersaryo, kung may sakit, kagalingan ng kalooban, atbp.)

 

  d. Maging handa at magkaroon ng pag-uusapan — sa madaling salita, pagtiwalaan ang Panginoon ngunit isagawa ang gampanin

 

  e. Tumutok sa ispirituwal na paglago at sa kapangyarihan ng Diyos, higit sa anumang problema, at pagiging mulat sa problemang pansarili ng iba

 

  f. Gabayan ang grupo para makagawa ng kasunduan at makagawa ng pananagutan tungkol sa:

 * oras ng pagtitipon, at pagpapahalaga sa oras ng lahat

 * tamang paraan ng pagsasalita tungkol sa iba

 * katatawanang mapanakit (negative humor)

 * iba pa

 

  g. Laging pagsikapan ang katapatan ng mga miyembro (ang pagdalo sa HOUSEHOLD MEETING at bahagi ng ipinangako ng miyembro at kinakailangang tuparin)

 

  h. Ipaalam sa UNIT HEAD ang lahat ng malimit lumiban (absentees) upang mapag-usapan ang patikular na sitwasyon at makabuo ng pasya na isasagawa. Alalahanin na ang lakas ng grupo ay nakasalalay sa katapatan ng mga miyembro.

 

  i. Laging maging mapaghanap sa mga pwedeng mamuno (CLP discussion leaders, speakers, household heads) at ipaalam ito sa UNIT HEAD. Dapat matukoy sila habang maaga, maisama sa plano ang kanilang paghuhubog at hayaan silang makapaglingkod. Alalahanin na dadami lang ang miyembro ng CFC ayon sa kung ano ang makakaya ng ating mga lider.

 

  j. Ituring na kasangkapan sa pagpapastol ang ating newsletter, ang Ugnayan. Makakatulong ito na mapalago ang mga miyembro sa mga pagtuturo (teachings). Makakatulong din ito sa pagbuo ng pagkakaisa (unity), lalo na sa pagtingin sa lumalagong bilang ng miyembro.Ang Ugnayan ay karaniwang ipinapamahagi sa pamamagitan ng mga UNIT HEADS at tungkulin ng HOUSEHOLD HEAD na tiyaking makakakuha nito ang mga miyembrong mag-asawahan.

 

  k. Mag-aral at magbasa, lalo na ang mga libro na ating inililimbag. Laging maging una sa iyong mga miyembro.

 

  l. Huwag gamitin ang HOUSEHOLD MEETING para ilabas ang iyong pagtutol o argumento patungkol sa pamunuan ng CFC o mga nakatatanda dito; huwag din manghingi ng tulong mula sa mga miyembro tungkol sa ganitong pananaw o sitwasyon, bagkus ay isangguni sa UNIT HEAD ng UNIT HOUSEHOLD na kinabibilangan mo bilang lider.

 

  m. Kung may anumang dahilan na pakiramdam mo ay hindi mo maisasagawa nang maayos ang mga gampanin ng isang HOUSEHOLD HEAD, makipag-usap sa iyong UNIT HEAD tungkol dito para magawan ng agarang aksyon. Huwag itong ipagwalang-bahala, na ang nagiging resulta ay napapabayaan ang miyembro ng HOUSEHOLD GROUP.

 

 

C. MIYEMBRO NG HOUSEHOLD

 

1. PAG-UUGALI NG MIYEMBRO NG HOUSEHOLD

 

 Upang lubusang mapakinabangan ang mga benepisyo na nagmumula sa pagiging bahagi ng isang HOUSEHOLD, ang mga miyembro ay inaasahang magpamalas ng ilang batayang pag-uugali:

 

  a. Pagiging bukas (openness) – Dapat maging bukas ang bawat isa sa pagtanggap sa kagustuhan ng Panginoon na ibinibigay sa pamamagitan ng HOUSEHOLD GROUP. Dapat kilalanin ito bilang bahagi ng pagkilos ng Diyos ayon sa Kanyang plano para sa bawat isang tao, kung kaya dapat maging umaasa at naghahangad ng katuparan nito. Nararapat lang na ibahagi ng bawat isa ang kanyang personal na buhay at ugnayan sa Panginoon nang may bukas na diwa.

 

  b. Mapagkakatiwalaang mag-ingat ng pribadong usapin (confidentiality) – hinihikayat ang mga miyembro na magbahagi ng kanilang buhay, kasama ang kanilang mga alalahanin at problema sa mga pagtitipon. Maisasagawa lang ito kung tinitiyak at sinisikap ng bawat isa na maging mapagkakatiwalaan na ingatan ang mga pinag-uusapang personal o pribado na. Kung kaya anumang pinagbahaginan na ganito ay hindi kailangang lumabas pa sa mga pagtitipon.

 * Paalala: Maaaring ipagbigay-alam ng HOUSEHOLD HEAD ang kanyang alalahanin sa UNIT HEAD o lider, na bilang bahagi ng kanyang paglilingkod at malasakit sa mga miyembro – hindi ito labag sa confidentiality.

 * Ang pag-aawat na magbahagi sa mga di-kabilang sa HOUSEHOLD GROUP ay sumasakop din kahit sa mga positibo o magagandang kaganapan sa buhay ng bawat isa. Ang ganitong mga bagay ay maaaring ihayag ng mismong miyembrong nakaranas, sa labas ng HOUSEHOLD MEETING, kung kailan may naaayon na pagkakataon upang ipaalam ito, upang ang iba ay mahikayat lalo at mapag-alab sa pakikilahok.

 

  c. Katapatan (faithfulness) – Dapat na ituring ng bawat isa ang HOUSEHOLD MEETING bilang isa sa mga pangunahing tugunan (priorities), at laging dumalo dito. Sa pamamagitan lamang ng pagtuluoy-tuloy at pagtupad sa pinangako maaaring magkaroon ng kaganapan ang layunin ng HOUSEHOLD.

 

  d. Pakikilahok (participation) – bawat miyembro ay nararapat na dumalo sa pagtitipon nang handa sa espiritu at sa praktikal na aspeto, at ugaliing gustuhing makilahok sa buhay ng pagtitipon. Isipin hindi lamang ang makukuha mula sa ganitong gawain, kundi kung ano ang maiaambag mo sa iyong mga kapatid. Naisasagawa ang ganito sa aktibong pakikilahok sa pagsamba (worship), pagbabahaginan, diskusyon, at pakikisalo (fellowship). Mahalaga na ang bawat miyembro ay umaaalalay sa kaayusan ng lingguhang pagtitipon, at nakikipag-ugnayan sa lahat na may dangal at paggalang, lalo na sa HOUSEHOLD HEAD.

 

  e. Pagmamahal (love) – Ang tuon ng lahat ng ito ay ang makapagpamalas ng aktibong malasakit at katapatan sa bawat isa. Nararapat lang na ituring ang ibang mga miyembro na hindi lang maraming bagong kaibigan kundi mga kapatid sa Panginoon, na ang karaniwang batayan ay ang pagmamahal sa bawat isa.

 

2. PAGDALO (ATTENDANCE)

 

  a. Bawat miyembro ay inaasahang matapat na dumalo sa lingguhang pagtitipon bilang kasama sa sinumpaang pangako (covenant) ng CFC. May mga pangyayaring di-maiiwasan, tulad ng pagkakasakit – ang mahalaga ay ang pagturing sa ganitong gawain bilang PRIORITY at ang hangarin na huwag makaliban.

 

  b. Kung isa man sa mag-asawa ay hindi makadadalo, nararapat lamang na dumalo pa rin ang kanyang kabiyak. Hindi kailangang ipilit na makadalo pareho kung isa sa kanila ay may sapat na dahilan sa pagliban.

 

  c. Dahil ang pagdalo ay bahagi ng sinumpaang pangako, at dahil ang layunin ng HOUSEHOLD ay mababalewala ng malimit na pagliban (kawalan ng interes), ang pagliban ay sapat na batayan para maihiwalay na sa CFC. Dapat sikapin ng HOUSEHOLD HEAD na makipag-ugnayan sa mga lumiliban nang madalas at mapag-ibayo muli ang kanilang interes at pagtugon sa COMMITMENT. Kung bigo, ito ay dapat isangguni na sa UNIT HEAD upang mabigyan ng naaayon na aksyon.

 

  d. Ang HOUSEHOLD HEAD ay walang kapangyarihang magbigay ng LEAVE OF ABSENCE sa sinumang miyembro ng kanilang HOUSEHOLD GROUP. Ang ganitong usapin ay pinagpapasyahan ng UNIT HEAD.

 

 

D. HOUSEHOLD MEETINGS

 

1. GAANO KADALAS (FREQUENCY)

 

  a. Nagtitipon ang isang HOUSEHOLD minsan sa isang buong linggo (week), hangga’t maaari sa parehong araw na pinagkasunduan ng lahat ng miyembro. Kung mas mababa pa sa minsan sa isang linggo, hindi ito sapat para makapagbigay ng ugnayan at pag-alalay at pag-engganyo sa Buhay-Kristiyano. Kung higit sa isang beses sa isang linggo ang pagtitipon, maaaring makabigat ito sa oras na nakalaan para sa pinagkakakitaan, pamilya, pansariling pangangailangan at sa gawaing paglilingkod (Christian service).

 

  b. Hindi maaaring ipagpaliban o ipatigil ng HOUSEHOLD HEAD ang anumang pagtitipon (maliban na lang sa ipaliliwanag mamaya) – dapat pahintulutan ito ng UNIT HEAD dahil sa matinding kadahilanan.

 

  c. Kung hindi man makadadalo ang HOUSEHOLD HEAD sa napagkasunduang HOUSEHOLD MEETING, hindi kailangang ipatigil ang pagtitipong ito. Sa pagsangguni sa Unit Head, pagkakasunduan naman ang siyang pansamantalang hahalili – maaaring ipagkatiwala ang pagpapadaloy sa isang miyembro ng HOUSEHOLD o isa pang kapatid mula sa kinabibilangang UNIT.

 

  d. Maaaring hindi magkaroon ng HOUSEHOLD MEETING:

 * sa linggo na idadaos ang buwanang pagtitipon para manalangin (monthly prayer meeting / assembly)

 * kapag ang LAHAT NG MIYEMBRO NG HOUSEHOLD ay naglilingkod sa CLP. Sa ganitong sitwasyon, ang HOUSEHOLD MEETING ay gaganapin ng dalawang beses sa loob ng isang buwan, karagdagan sa lingguhang pagganap sa CLP

 * kapag ang CLP ay tumatama sa mismong araw ng buwanang pagtitipon, ang HOUSEHOLD MEETING ay gaganapin ng dalawang beses sa loob ng isang buwan

 * kapag ang CLP ay hindi tumatama sa mismong araw ng buwanang pagtitipon, ang HOUSEHOLD MEETING ay gaganapin ng isang beses sa loob ng isang buwan, at dadalo naman ang lahat sa buwanang pagtitipon

 

  e. Ang tuloy-tuloy na pagkikita-kita ay kailangan para ang mga miyembro ay tuloy-tuloy din sa pagtanggap ng paglago ng kanilang buhay at hindi lamang para gampanan ang gawaing paglilingkod.

 * tuwing mahalagang panahon tulad ng Mahal na Araw (Holy Week) at Kapaskuhan (Christmas break)

 

2. VENUE

 

 Ang HOUSEHOLD MEETING ay ginaganap sa tahanan ng isa sa mga miyembro ng grupo. Ang lugar na pinagdadausan ng pagtitipong ito ay iikot sa lahat ng tahanan ng mga mag-asawahang miyembro.

 

 Sa pagganap ng HOUSEHOLD MEETING sa tahanan ng mga miyembro, natutupad ang mga pagpapahalagang ito (values) :

 

  a. Sa pagsamba (worshipping) sa Panginoon sa ating tahanan nagkakaroon ng katuparan ang pagiging munting simbahan ng mga tahanan. Ang pagpapala ng Diyos ay tiyak na bababa sa tahanan na kung saan nagtipon-tipon ang Bayan ng Diyos, na sumasamba at lumalago ang pananampalataya nang magkakasama.

 

  b. Ang mga nakatira sa ating tahanan – ating mga anak, maaaring ating mga magulang, mga kasama sa bahay, mga taong malapit sa atin at minamahal natin – ay magkakaroon ng kamalayan sa kung ano ang kinabibilangan natin at gawain natin linggu-linggo. Tayo ay nagiging mga tao na isinasabuhay ang kanilang pananampalatayang Kristiyano nang bukas at malakas.

 

  c. Anuman ang ginagawa natin sa ating tahanan ay matinding kasangkapan para sa ebanghelisasyon, lalo na sa ating mga kasama sa tahanan, sa mga kapitbahay, sa iba pa nating kamag-anak at mga kaibigan.

 

3. MGA SANGKAP NG HOUSEHOLD MEETING

 

 Karaniwan, ang HOUSEHOLD MEETING ay may tatlong di-dapat maalis na sangkap (ingredients): [1] pagsamba at panalangin (worship and prayer); [2] oras para sa pagbabahaginan (sharing) o pagtuturo (teaching) o diskusyon; at [3] oras para sa pagsalu-salo (fellowship). Lahat itong tatlo ay napakahalaga at hindi dapat matigil o mabalewala.

 

  a. Pagsamba (Worship)

 

 * Ang pagsamba ay sumasakop sa lahat ng iba pang kailangang sangkap – pag-awit, pagpupuri, pasasalamat, panalangin ng kahingian (petition) at pagsamo (intercession). Bawat miyembro ay dapat maging pamilyar at panatag sa ating paraan ng pagsamba at papuri, at pinapangunahan ito ng HOUSEHOLD HEAD.

 

 * Karaniwang balangkas ng oras ng pagsamba:

 >>>   paglapit o pagdama sa presensiya ng Panginoon (maaaring maikling katahimikan o pagyayakag mula sa lider)

 >>>   masayang pag-awit ng awiting papuri (praise song)

 >>>   tuloy-tuloy na pagpaparinig ng papuri

 >>>   pag-awit muli at higit pang pagpupuri

 >>>   pag-awit ng awiting pagsamba (worship song)

 >>>   pag-awit sa Dila ng Espiritu (Tongues) na susundan ng maikling katahimikan

 >>>   paghayag ng mensahe ng Panginoon (paghahayag o prophecy, berso mula sa Kasulatan, pagyayakag o exhortations), pansariling panalangin ng pasasalamat

 >>>   pansariling panalangin ng kahingian (petition) at pagsamo (intercession)

 >>>   pangwakas na panalangin ng lider

 

 * Ang mga miyembro ay dapat mayakag ng lider upang makilahok nang masigla sa pag-awit, pagpupuri, at pananalangin ng pasasalamat at pagdulog. Dapat ding mahikayat ang bawat isa na gamitin ang kanilang mga ispirituwal na handog (gifts) tulad ng paghahayag o prophecy, pagbabasa ng Kasulatan (inspired Scripture reading) at pagyayakag (exhortation) sa sarili na madama ang Panginoon.

 

 * Pinangungunahan ng HOUSEHOLD HEAD ang pagsamba – hangga’t maaari, hindi dapat ipinapasa sa iba ang pananagutang ito. Gayunman, paminsan-minsan, maaari niyang mahiling sa ibang kapatid na lalake ang pagsagawa nito, bilang pagsasanay. Pero halos sa lahat ng pagkakataon, pinamumunuan ng HOUSEHOLD HEAD ang ganitong gawain.

 

 * Iminumungkahi na isa man sa grupo ay makatugtog ng gitara, pwede rin gumamit ng piano o iba pang instrumento pang-musika kung meron at praktikal naman. Kung walang makatutugtog, iminumungkahi na gumamit ng RECORDED SONGS na tatluhan, iniayon mismo para sa pagsasamba sa loob ng pagtitipon ng HOUSEHOLD.

 

 * Ang pagsamba ay isinasagawa nang nakatayo sa kabuuan ng pagkakataong ito – maliban na lang kung ang miyembro ay buntis, maysakit o mahina ang katawan.

 

  b. Pagbabahaginan (sharing) o Pagtuturo (teaching) o Diskusyon

 

 Kapwa mga lalake at babae ay maaaring magtipon-tipon nang magkakasama, o kaya naman ay magsama-sama ang mga lalake sa ibang bahagi ng bahay na nakabukod naman sa mga babae, ayon sa anuman ang usapin at sa pasya ng HOUSEHOLD HEAD.

 

 Gayunman, mas madalas na magkabukod ang pag-uusap, dahil sa mga sumusunod na kagandahang naidudulot nito:

 * Mas malayang makapagbahagi ang marami lalo kung hindi naririnig ng kabiyak

 * Sa pagiging praktikal, magkakaroon ng sapat na panahon (quality time) para ang lahat ay makapagbahagi.

 * Pagkakataon ito para sa mga esposo upang mabigyang-alalay ng mga lalake bilang kapatid, at gayundin para sa mga esposa na mabigyang-alalay ng mga babae naman.

 * Ang HOUSEHOLD GROUP ay maaaring magtalakay ng magkaibang usapin lalo kung tutukoy ang mga ito sa magkakaibang pangangailangan ng mga lalake at mga babae.

 

  c. Pagsasalu-salo (fellowship)

 * Isang ordinaryo o simple na mapagsasaluhan (snack) ang karaniwang inihahanda ng mag-asawang nananahan sa pinagdausan ng pagtitipon (host couple). Alalahanin na naghahanda ng pagkain upang may mapagsaluhan, at ang tuon ng pagsalu-salo ay hindi sa pagkain. Higit pa, walang miyembro ang dapat mabigatan sa gastusin para maihanda ang pagkain at sa oras na ilalaan sa paghahanda nito. Gayundin naman, walang miyembro ang dapat makadama na dapat nilang tapatan ang pagiging mapagbigay (extravagance) ng naunang mga miyembro na naghanda ng pagsasalo.

 * Ang panalangin bago kumain ay pinangungunahan ng HOST.

 

 d. Nagtatapos ang pagtitipon sa maikling panalangin ng HOUSEHOLD HEAD.

 

4. GAANO KATAGAL (DURATION)

 

  a. Karaniwang ginaganap ang HOUSEHOLD MEETING matapos ang hapunan sa ordinaryong araw ng linggo (weekday). Pero anuman ang mapagkasunduang araw at oras ay pwede. Ang buong pagtitipon ay nagtatagal ng mga dalawa at kalahating oras (2 and ½ hours) sa ganitong pagkakabalangkas:

 

    >>> Pagsamba           30 minuto

    >>> Pagbabahaginan / Pagtuturo / Diskusyon           60 hanggang 90 minuto

    >>> Pagsasalu-salo           30 hanggang 60 minuto

 

 Siyempre pa, may kaluwagan (flexibility) at kaibahan (variation) ang naturang balangkas ng oras.

 

  b. Hangga’t maaari, ang HOUSEHOLD MEETING ay dapat nagsisimula sa napagkasunduang oras, kahit hindi pa man nakakarating ang lahat ng inaasahan – hindi dapat naghihintay ang HOUSEHOLD HEAD kaninuman, hindi niya dapat pahintulutan na ang pagtitipon o sinuman ay maging bilanggo sa kawalan ng katapatan sa oras. Isa pa, makapagtuturo ito sa mga palaging nahuhuli para magbago ng gawi. Kaya kung kinakailangan, maaaring makapagsimula na kahit ang HOUSEHOLD LEADERS at HOST COUPLES lang ang naroon na.

 

  c. Ang pagtitipon ay di dapat nagtatapos nang gabing-gabi na, tulad ng 11pm. Kung makapagsisimula nang mas maaga ay mas mainam. Kung magkaroon man ng pagtitipon na umabot ng lampas sa 11pm, hindi ito dapat kasanayan.

 

5. SOCIAL NIGHT

 

  a. Ang HOUSEHOLD GROUP ay maaaring makapagpasya na magkaroon ng SOCIAL NIGHT – ito ay isang gabi na nakalaan sa pagsasalu-salo, at walang tukoy na oras para sa pagsamba, pagbabahaginan, pagtuturo o diskusyon man.

 

  b. Inirerekomenda na magkaroon ng SOCIAL NIGHT minsan sa loob ng tatlong buwan (quarterly), sa buwan na may ika-5 linggo. Kung nais ng mga miyembro ng mas madalas na SOCIAL NIGHT, ito ay dapat isagawa bukod sa pagganap ng HOUSEHOLD MEETING. Ilang posibilidad: pagtitipon kahit may MONTHLY ASSEMBLY, pagdiriwang ng LORD’s DAY.

 

  c. Iba-ibang gawain ay pwede. Maaaring magkaroon ng hapunan sa loob at labas ng tahanan, pagpunta sa isang lugar ng magkakasama (party, bowling, etc.), o kaya isang maghapon na pag-alis (outing). Ito ay pagkakataon para makasama ang mga anak ng bawat mag-asawahan. May kaluwagan (flexibility) ito, na ang tuon ay makasama ang bawat isa, maging malapit na magkakaibigan, at maging kapatiran sa Panginoon.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *