ANO ANG RESPONSIBILIDAD MO BILANG ANAK SA IYONG MGA MAGULANG?
[ANG IBINIGAY NA ASSIGNMENT SA AKIN AY IYONG MAGBAHAGI NG PERSONAL NA KARANASAN BILANG ANAK AT BILANG MAGULANG. PERO PARA MAGAWA KO ITO, KAILANGAN KO MUNANG MAGBAHAGI TUNGKOL SA…]
- Inaasahan na dapat gawin ng mga magulang
- Inaasahan na hindi dapat gawin ng mga magulang
PARENTS – DO’s
Kawikaan 13: 24
Mapagmahal na magulang, anak ay dinidisiplina, anak na di napapalo, hindi mahal ng magulang.
[TAGAPAMAHALA, TAGAPANGASIWA NATIN ANG MGA MAGULANG NATIN. ANG MGA MAGULANG AY INAASAHAN NA GAYAHIN ANG DIYOS O GAWING MODELO ANG DIYOS SA PAGPAPALAKI SA MGA ANAK…]
Heb 12: 5-6
Nakalimutan na ba ninyo ang salitang nagpapalakas ng inyong loob na tumutukoy sa inyo bilang mga anak? Ang sinasabi:
Anak ko, kung itinutuwid ka ng Panginoon, huwag mong ipagwalang bahala. At kung sinasaway ka niya, huwag manghina ang iyong loob. Sapagkat itinutuwid ng Panginoon ang mga iniibig Niya, pinapalo ang bawat tinatanggap Niya bilang anak.
[KUNG KAYA, ANG PAGDISIPLINA NG MAGULANG AY TANDA NG PAGMAMAHAL SA IBINIGAY SA KANYA NG DIYOS NA MGA ANAK.]
Kawikaan 13: 1
Ang anak na may unawa ay nakikinig sa kanyang ama, ngunit walang halaga sa palalo ang paalala sa kanya.
[NAKALAGAY DITO AY NAKIKINIG SA KANYANG “AMA”. PERO DAPAT MAUNAWAAN NATIN NA ANG TINUTUKOY NG KAWIKAAN DITO AY MGA MAGULANG AT MGA NAKATATANDA, MGA NASA POSISYON NG KAPANGYARIHAN. “AMA” ANG MADALAS NA GINAGAMIT SA LUMANG TIPAN NA SIMBOLO O KUMAKATAWAN SA LAHAT NG NASA POSISYON NG KAPANGYARIHAN, DAHIL PANANAGUTAN NILA SA DIYOS ANG MGA KABATAAN AT LAHAT NGA NG TAO NASA PANGANGALAGA NILA.]
Ecclesiastico (Sirach) 30: 1-3
Ang nagmamahal sa anak ay malimit gumamit ng pamalo, upang ang anak ay maging kasiyahan niya paglaki nito. Ang mahigpit sa anak ay makikinabang sa huli; sa kanyang mga kaibigan, ito’y maipagmamalaki. May naipagmamalaki sa mga kaibigan ang mabuting magturo sa anak, at kinaiinggitan pa ng kanyang kaaway.
[IBIG SABIHIN, ANG PAGDIDISIPLINA AY DAPAT SUMASAKOP DIN SA PAGTUTURO NG MABUTI, HINDI IYONG BASTA NAGSASAWAY LANG NA HINDI NAGPAPALIWANAG.]
PARENTS – DONT’s
Col 3: 21
Mga magulang, huwag ninyong pagagalitan nang labis ang inyong mga anak at baka masiraan sila ng loob.
[IPINAPAHAYAG DITO NA KAPAG LUMABIS O SUMOBRA NAMAN AY HINDI NA NAKAKABUTI.]
Efeso 6: 4
Mga magulang, huwag kayong gumawa ng bagay na ikagagalit ng inyong mga anak. Sa halip, palakihin ninyo sila ayon sa disiplina at katuruan ng Panginoon.
[NAGBIBIGAY DITO NG REKOMENDASYON KUNG ANO ANG DAPAT ITINUTURO SA MGA ANAK, SA MGA KABATAAN…]
KATURUAN NG PANGINOON
Ano ang dapat na itinuturo ng mga magulang sa mga anak?
- Paggalang
- Pagsunod
[IBIG SABIHIN, DAPAT AY TINUTURUAN TAYO NG ATING MGA MAGULANG KUNG PAANO GUMALANG AT SUMUNOD. DAPAT AY BINIBIGYAN TAYO NG MAGULANG NATIN NG DAHILAN O PAGKAKATAON PARA IGALANG NATIN SILA AT SUNDIN SILA.]
PAGGALANG
Kawikaan 20: 20
Sinumang magmura sa kanyang magulang, parang ilaw na walang ningas ang wakas ng kanyang buhay.
[ANG PAGMUMURA AY KATUMBAS NG PAGLAPASTANGAN, PAGPAPAHIYA, O TUWIRANG PAMBABASTOS. NITONG NAGDAANG BUWAN NG MARSO, NAKIPAG-AWAY AKO SA KAPITBAHAY NAMIN DAHIL PINAGBINTANGAN ANG NANAY KO NA NAGSISINUNGALING, AT GINAWA ITO NANG NAKAHARAP PA AKO. HINDI AKO PUMAYAG SA GANITO KUNG KAYA IPINAGBIGAY-ALAM KO RIN ITO SA KINAUUKULAN PARA MATIGIL AT HINDI NA MAULIT ITO.]
[ANG PAGSASALITA NANG MAAYOS AY HINDI LANG BASTA NAKAPATUNGKOL SA MISMONG MGA MAGULANG NATIN, KUNDI SA IBA PANG NAKATATANDA O NASA KAPANGYARIHAN…]
1 Tim 5: 1-2
Huwag mong pagsasalitaan nang marahas ang lalaking nakatatanda sa iyo, kundi paalalahanan mo siya na parang sarili mong ama. Pakitunguhan mo naman na parang kapatid ang mga nakababatang lalaki. Ituring mong parang sariling ina ang matatandang babae, at pakitunguhan mo nang buong kalinisan ang mga kabataang babae na parang iyong mga kapatid.
[MATUTUNGHAYAN DITO KUNG ANO ANG INAASAHAN MULA SA MGA KABATAAN. SA MGA PANGANGARAL SA AMIN NG MGA NAKATATANDA SA AMING BAHAY, NOONG DITO PA KAMI NANINIRAHAN LAHAT SA CALOOCAN, LAGING PINAPALIWANAG SA AMIN NA IYONG PAGKILOS NAMIN AT PAGSASALITA AY SUMASALAMIN SA KUNG ANO ANG NATUTUTUNAN NAMIN MULA SA MGA NAG-AALAGA AT NAGTATAGUYOD SA AMIN.]
1 Pedro 2: 17
Igalang ninyo ang lahat ng tao at mahalin ang mga kapatid kay Cristo. Mamuhay kayo nang may takot sa Diyos at may paggalang sa Emperador.
[DITO, MAKIKITA NATIN NA MAY KARAPATAN NA TUMANGGAP NG PAGGALANG ANG LAHAT NG TAO. EMPERADOR NAMAN ANG KUMAKATAWAN SA MGA PINUNO NG PAMAHALAAN. ANG PAGKAKAROON NG TAKOT SA DIYOS AY KATUMBAS NG PAGGALANG. ANG PAGGALANG AY HINDI LANG PAG-IWAS SA MASAMANG URI NG PAGSASALITA O PAGKILOS, KUNDI KASAMA DIN DITO ANG…]
PAGSUNOD
Kawikaan 19: 26
Ang anak na suwail sa magulang ay anak na masama at walang kahihiyan.
Col 3: 20
Mga anak, sundin ninyong lagi ang inyong mga magulang, sapagkat iyan ang nakalulugod sa Panginoon.
Efeso 6: 1-3
Mga anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang, sa Panginoon, sapagkat ito ang nararapat. “Igalang mo ang iyong ama at ina.” Ito ang unang utos na may kalakip na pangakong “Ikaw ay giginhawa at hahaba ang iyong buhay sa lupa.”
MAGULANG NG TAHANAN
[ANG PAGSUNOD NA TINUTUKOY SA MGA KASULATANG ITO AY IYONG PAGSUNOD SA MGA MAGULANG NG ATING BAHAY, NG ATING TAHANAN. IBIG SABIHIN, ANG MGA NAG-AALAGA SA ATIN AT NAGTATAGUYOD SA ATING KAPAKANAN SA LOOB NG BAHAY, KAHIT HINDI SILA ANG TALAGANG TATAY AT NANAY NATIN, AY DAPAT DIN SILANG IGALANG AT SUNDIN.]
[GAYUNDIN NAMAN, MERON TAYONG MGA MAGULANG SA LABAS NG TAHANAN…]
MAGULANG SA LABAS NG TAHANAN
1 Pedro 5: 5
At kayo namang mga kabataan, pasakop kayo sa mga pinuno ng iglesya. Magpakumbaba kayong lahat sapagkat nasusulat, “Sinasaway ng Diyos ang mapagmataas, ngunit kinaluluguran Niya ang may mababang kalooban.”
Hebreo 13: 17
Pasakop kayo at sumunod sa mga namamahala sa inyo. Sila’y may pananagutang mamahala sa inyo, at mananagot sila sa Diyos ukol diyan. Kung sila’y susundin ninyo, magagalak sila sa pagtupad sa kanilang tungkulin; kung hindi, sila’y mamimighati, at hindi ito makakabuti sa inyo.
[… IBIG SABIHIN, KINIKILALA DIN BILANG MGA MAGULANG NATIN ANG MGA NAGTATAGUYOD SA ATING BUHAY-PANANAMPALATAYA, ANG MGA PINUNONG-LINGKOD, AT IYONG MGA NASA POSISYON SA ATING GOBYERNO.]
[KUNG PAG-AARALAN NATING MABUTI ANG BANAL NA AKLAT, ANG PAGGALANG AT PAGSUNOD AY PATUNAY NG PAGMAMAHAL. KUNG TOTOONG MAHAL NATIN ANG ATING MGA MAGULANG, NARARAPAT LANG NA IGALANG SILA AT SUNDIN…]
HALIMBAWA NG PAGGALANG AT PAGSUNOD
- Gayahin ang Diyos
- Sabihin Mo ang Pagmamahal Mo
- Humanap ng Pagkakataong Maglingkod
[ANG MGA HALIMBAWANG ITO AY TUMUTUGON SA KUNG ANO ANG RESPONSIBILIDAD MO BILANG ANAK SA IYONG MGA MAGULANG…]
GAYAHIN ANG DIYOS
Efeso 5: 1-7
Kaya nga, tularan ninyo ang Diyos bilang mga minamahal na mga anak. Mamuhay kayo sa pag-ibig tulad din ng pag-ibig ni Cristo sa atin. Ipinagkaloob niya ang Kaniyang sarili para sa atin na isang handog at haing mabangong samyo sa Diyos.
Huwag man lang mabanggit sa inyo ang pakikiapid at lahat ng karumihan o kasakiman. Nararapat na huwag itong mabanggit sa mga banal. Ang mahalay at walang kabuluhan o malaswang pananalita ay hindi nararapat sa inyo.
Sa halip, kayo ay maging mapagpasalamat. Ito ay sapagkat nalalaman ninyo na ang nakikiapid, o maruming tao, o sakim na sumasamba sa mga diyos-diyosan ay walang mamanahin sa paghahari ni Cristo at ng Diyos.
Huwag ninyong hayaang dayain kayo ng sinuman sa pamamagitan ng mga walang kabuluhang salita sapagkat sa mga bagay na ito ang poot ng Diyos ay dumarating sa mga anak na masuwayin. Huwag nga kayong maging kabahaging kasama nila.
Mga uri ng tao na dapat nating iwasan o hindi dapat samahan:
- Hindi importante sa kanila na gumalang sa kapwa
- Sumasamba sa diyus-diyosan…
- Kinikilala ang sarili na pinakamahalaga
- Kinikilala ang pera na pinakamahalaga
- Kinikilala ang materyal na bagay na pinakamahalaga
- Nagsisinungaling o nagbibintang
[ANG TINUTUKOY NA MGA TAO NA HINDI DAPAT SAMAHAN, AY MGA TAONG NATUKLASAN NA NILA ANG KANILANG PAGKAKAMALI PERO HINDI PA RIN NILA INIIWAN ANG DATI NILANG BUHAY, O WALA SILANG PAGSISIKAP NA MAGBAGO.]
[PERSONAL NA KARANASAN KO… SA AMING PAGSASAMA BILANG MAG-ASAWA AT BILANG PAMILYA, PINIPILI NAMIN NA NANANATILI KAMI DAPAT SA LUGAR NA ANG NAKAKAUGNAY AT NAKAKASALAMUHA NAMIN AY TUMUTUGON SA MGA NABANGGIT DITO. KAHIT PAPAANO AY PINIPILIT NAMING GAYAHIN ANG ITINUTURO NG DIYOS, AT ANG KAPALIT NITO AY KAPAYAPAAN SA AMING KALOOBAN.]
[BUKOD SA PAG-IWAS LANG, HINIHINGI DIN NA GAMITIN NATIN ANG MGA KALOOB SA ATIN… HINIHINGI NA…]
SABIHIN MO ANG PAGMAMAHAL MO
Santiago 3: 3-6
Kapag nilagyan ng pakagat ang bibig ng kabayo, ito’y napapasunod natin at napapabaling saanman natin naisin. Tingnan ninyo ang barko, kahit na ito’y napakalaki at itinutulak ng malalakas na hangin, ay naibabaling saanman naisin ng piloto sa pamamagitan ng napakaliit na timon.
Gayundin naman ang dila. Ito ay isang maliit na bahagi ng katawan ngunit nagyayabang ng mga dakilang bagay.
[DITO IPINALIWANAG KUNG ANO ANG KAPANGYARIHAN NG DILA O NG PAGSASALITA.]
Kawikaan 12: 18
Ang matalas na pananalita ay sumusugat ng damdamin, ngunit sa magandang pananalita, sakit ng loob ay gumagaling.
[ANG ANAK NAMING SI CHICHOY, ITONG SI NOE AY TINURUAN NAMIN KUNG PAANO MAGING MALAMBING. KAPAG MERON SIYANG GUSTO, YAYAKAP IYAN SA AKIN AT SASABIHAN NIYA MUNA AKO NG “DADDY, I LOVE YOU. DADDY, AMPOGI MO. DADDY, PWEDE…?” TAPOS MAGTATANONG NA SIYA KUNG MAKUKUHA NIYA BA ANG HINIHINGI NIYA.]
“DADDY, I LOVE YOU. DADDY, AMPOGI MO. DADDY, PWEDE…?”
[SIYEMPRE KAPAG MERON SIYANG HINIHINGI SA MOMMY NIYA, MERONG IBANG VERSION… MOMMY, ANG GANDA MO…]
[PERO KULANG ANG PAGSASALITA LANG, DAHIL DAPAT AY SINASAMAHAN NATIN NG PAGGAWA O PAGKILOS. ANO ANG DAPAT GINAGAWA NATIN?]
[youtube id=”PgUVWDU7vmc”]
HUMANAP NG PAGKAKATAONG MAGLINGKOD
[NAAALIW AKO KAY NOE KAPAG NAMIMILI KAMI NG GROCERIES AT GUSTONG-GUSTO NIYA NA BINUBUHAT NIYA ANG PINAMILI NAMIN KAHIT HINDI NAMAN NIYA KAYANG BUHATIN…! KAYA MINSAN, NAGBUBUKOD KAMI NG KONTING BITBITIN AT ITO ANG PINAPADALA NAMIN SA KANYA.]
[SA NAPAKABATANG EDAD NI NOE, NAGHAHANAP SIYA NG PAGKAKATAON PARA MAGLINGKOD SA AMIN NA MGA MAGULANG NIYA.!]
Galatia 5: 13
Ngayon mga kapatid, tinawag kayo ng Diyos upang kayo ay maging malaya. Huwag lamang ninyong gamitin ang inyong kalayaan na maging pagkakataon para sa makalamang pita. Sa halip, sa pamamagitan ng pag-ibig ay maglingkod kayo sa isa’t isa.
[PERSONAL NA KARANASAN KO BILANG ANAK… ILANG TAON NA ANG NAKALIPAS MULA NOONG UNA AKONG MATUTONG MAGMANEHO NG SASAKYAN, PERO HINDI AKO KUMUHA NG LISENSYA DAHIL PALAGAY KO NOON AY HINDI KO NAMAN MAGAGAMIT. NAKATIRA NA KAMI NGAYON MALAPIT SA BAHAY NG NANAY KO, SA CAVITE, ISANG LUGAR NA DI NAMAN MASYADONG MALAPIT ANG SAKAYAN O PUBLIC TERMINAL. KAMAKAILAN LANG, NAGPALISENSYA NA AKO, PARA NAMAN NAIHAHATID AT NASUSUNDO KO ANG NANAY KO. AKO PO ANG GUMAGASTOS SA PAGLALAGAY NG GASOLINA, PAGPAPAAYOS NG SASAKYAN NIYA, AT KAHIT PAPAANO AY PAGBILI NG GAMIT PARA DITO – ITONG PAGLALAAN KO NG PAGOD AT PERA AY GUSTO KONG MAGING PATUNAY NA GUSTO KONG MAPAGLINGKURAN ANG NANAY KO KAHIT PAPAANO.]
[ISA PANG HALIMBAWA MULA KAY NOE… KAPAG NAKAKATAPOS KAMING MALIGO, GUSTO NIYANG SIYA ANG NAG-AABOT NG TUWALYA O DAMIT SA AMIN. MALAMBING NA BATA DIBA..?]
[KAYA NGA AKO AY GUMAWA NG PARAAN PARA MAGKAROON NG TRABAHO, NG PAGKAKAKITAAN, NA NASA BAHAY LANG AKO… PARA SA AKING ANAK, PARA SA AKING PAMILYA. KUMBAGA, MAITUTURING KO ITONG PANAWAGAN SA AKIN BILANG MAGULANG. INIIWASAN KO, O MASASABING NILALABANAN KO ANG MAGHANAP-BUHAY SA MALAYONG LUGAR, DAHIL NAKITA KO ANG MASAMANG EPEKTO NITO SA PAMILYANG PINOY. INIIWASAN KO, NA ANG ORAS KO AY MAPUNTA SA PAGTRABAHO LANG AT MAWALAN NG ORAS NA MAKASAMA ANG AKING MGA MAHAL SA BUHAY.]
[KAYA NGA TINUTURUAN KO ANG KAPWA-PINOY KO, MGA KABABAYAN NATIN, KUNG PAANO MAGKAROON NG KITA SA PAMAMAGITAN NG INTERNET. ITO ANG NAIIBANG PAGLILINGKOD KO KUNG KAYA BINUO KO ANG WEBSITE NA SEOFILIPINO.COM KUNG SAAN LIBRE LANG NA NAKAKAKUHA NG IMPORMASYON ANG MGA PINOY KUNG PAANO MAGKAROON NG ONLINE INCOME.]
[GUSTO NINYO NG HALIMBAWA NA PWEDE NINYONG SUNDAN? KUNG KABATAAN KA NA NAGLILIGPIT NG IYONG PINAGHIGAAN O PINAGKAINAN, DAHIL INIISIP MONG MAKAKABAWAS ITO SA GAWAIN NG MGA MAGULANG MO, IBIG SABIHIN AY KUMIKILOS KA PARA MAGING GANAP NA KRISTIYANO.]
[KUNG NAGLULUTO KA NANG MASARAP DAHIL ANG KAKAIN AY MAHAL MO, AT HINDI PARA IWASAN MO LANG NA MAPAGALITAN KA, IBIG SABIHIN AY KUMIKILOS KA PARA MAGING GANAP NA KRISTIYANO.]
[KUNG NAGHAHANAP-BUHAY KA DAHIL ANG MAKIKINABANG NG SAHOD MO AY MAHAL MO SA BUHAY, ITO AY PARAAN NG PAGLILINGKOD MO. IBIG SABIHIN AY KUMIKILOS KA PARA MAGING GANAP NA KRISTIYANO.]
[ANG PAGPUNTA MO SA GANITONG GAWAIN PARA MAUNAWAAN ANG GUSTO NG DIYOS, PARA MATUKLASAN ANG RESPONSIBILIDAD MO BILANG ANAK SA IYONG MGA MAGULANG, AY URI NG PAGHAHANAP NG PAGKAKATAON PARA MAGLINGKOD.]
[SA PAGTATAPOS, BALIKAN NATIN ANG PAYO MULA SA SULAT NI SAN PABLO. NAGHAHANAP TAYO NG PAGKAKATAON NA MAGLINGKOD, NAGLILINGKOD TAYO, BUNGA NG PAGMAMAHAL.]
Galatia 5: 13
Ngayon mga kapatid, tinawag kayo ng Diyos upang kayo ay maging malaya. Huwag lamang ninyong gamitin ang inyong kalayaan na maging pagkakataon para sa makalamang pita. Sa halip, sa pamamagitan ng pag-ibig ay maglingkod kayo sa isa’t isa.
RESPONSIBILIDAD MO BILANG ANAK SA IYONG MGA MAGULANG…
GAWIN MO ITO DAHIL SA PAGMAMAHAL.
Ang pagbabahaging ito ay unang inilaan para sa mga kabataan ng Parokya ng Sagrada Familia sa 6th Avenue East Grace Park, Caloocan, noong Mayo 2013.