COVENANT ORIENTATION (CO)
Downloadable: Covenant Orientation Gabay para sa Team Leader / Recollection Master PDF format
Ginaganap ang CO bilang pagbabalik-tanaw sa sinumpaang TIPANAN natin sa Couples for Christ (CFC Covenant); ang CO ay bahagi ng isang taon na programang paghuhubog para sa lahat ng miyembro ng CFC.Ibinibigay ito tatlong buwan matapos ang Christian Life Program (CLP).Ang pagtuturong ito ay kailangang makuha ng lahat ng miyembro ng CFC.
Itong CO ay karaniwang isinasagawa na buong araw na gawain (recollection). Binibigyang-diin nito ang pinaka-batayang elemento ng ating tipanan bilang CFC.
Mithiin ng Pagtuturo
1. Upang mapag-ibayo ang kahulugan at halaga ng ating tipanan bilang CFC.
2. Upang mapag-ibayo angmga batayang elementong tipanang ito.
3. Upang mapalalim ang pananagutan ng CFC members sa kanilang buhay at panawagan sa CFC.
Usapin ng mga Panayam
1. Ating Tipanan sa CFC (Our Covenant in CFC)
2. Panalangin at Banal na Kasulatan (Prayer and Scripture)
3. Pagpapatibay ng Buhay-Pamilya (Strengthening Family Life)
4. Ating Kulturang Kristiyano sa CFC (Our Christian culture in CFC)
Tala-takdaan (Schedule)
08:30 am Arrival and fellowship
09:00 am Introduction
09:15 am Worship
09:45 am Talk 1
10:30 am Personal reflection
11:00 am Break
11:15 am Talk 2
12:00 nn Personal reflection
12:30 pm Lunch break
1:15 pm Worship
1:45 pm Talk 3
2:30 pm Personal reflection
3:00 pm Break
3:15 pm Talk 4
4:00 pm Personal reflection
4:30 pm Open forum
5:30 pm Closing prayer
Mapagbabatayang Persona (Resource Persons)
1. Recollection Master (punong-abala sa buong araw na gawain)
2. Worship Leader – Pinuno sa Pagsamba
3. Speakers – Tagapagsalita
4. Nakatatanda sa CFC Community para sa balitaktakan (inaasahan ang Chapter Head; kung hindi, isang nagtagal o ‘senior’ na Unit Head).
5. Music Ministry
6. Service Team
Gabay para sa “Panimula”
1. Batiin ng pagtanggap (welcome) ang mga dumalo (participants).
2. Maikli lamang na alalahanin ang programang paghuhubog ng CFC para sa unang taon ng pagiging members, at ang pagiging bahagi ng CO recollection dito.
3. Sabihin ang talaan ng gawain / tala-takdaan (schedule) para sa buong araw.
4. Ipaliwanag ang oras ng pansariling pagninilay.
* Ito ay araw ng RECOLLECTION. Panatilihin ang katahimikan sa mga itinakdang oras ng pansariling pagninilay.
* Panatilihin ang isang mapag-dasal na pag-uugali. Magbulay-bulay (meditate) sa mga katuruan at sa mga pamamaraan na mai-aangkop ito sa inyong buhay at panawagan bilang CFC.
* Maglista ng anumang katanungan para sa gaganaping balitaktakan.
5. Pagyayakag – Exhortation
* Maging bukas sa Panginoon.
* Ito ay oras ng grasya at isang mahalagang hakbang na pasulong sa inyong ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng CFC.