PANGULUHAN AT PAGPAPASAKOP
(Headship and Submission)
A. PANIMULA
1. Kung hindi man lahat, ang karamihan sa mga grupo o pamayanan ng mga Kristiyano na namumuhay nang sama-sama ay nangangailangan ng sistema patungkol sa panguluhan (headship) at pagpapasakop (submission).
* sa loob man ng isang tahanan, o sa pamayanan tulad ng CFC community
* kahingian o kailangan para sa pagtupad ng kagustuhan ng Diyos
2. Merong iba-ibang uri ng sistemang panguluhan-pagpapasakop sa CFC
a) Pamilya (loob ng tahanan)
= husband / wife
= mga magulang / mga anak
b) CFC Community
= household head / member (personal na buhay)
= service head / member (paglago sa service area)
c) Simbahan / CFC
3. Sa panayam na ito, bukod sa mga kinikilala na pangkalahatang prinsipyo, bibigyan natin ng tukoy na pagtingin itong panguluhan at pagpapasakop sa mga mag-asawahan at sa loob ng CFC.
* mas maraming katuruan para sa husband / wife sa “Marriage Enrichment Retreats” (MER programs)
* mas maraming katuruan bilang CFC Community sa “Living as People of God” (LPG teachings)
B. PANGKALAHATANG SALIGAN NG PANGULUHAN AT PAGPAPASAKOP
1. Kalikasan ng panguluhan at pagpapasakop
a) Pinagmulan o Origin ang Diyos bilang ulo (GOD-HEAD). Ang relasyon ng Diyos Ama / Diyos Anak ay isang relasyon ng panguluhan at pagpapasakop.
b) Hindi ito usapin ng pansariling halaga o dignidad dahil kinikilala ng Diyos ang pagkakapantay-pantay ng lahat; ito ay tungkol sa mga gampanin o tungkulin.
* Si Jesus ay nagpapasakop sa Ama, pero hindi mas nakabababang Diyos.
c) Hindi rin ito usapin ng mga kakayahan (human ability) o mga kaloob (gifts).
* Hindi ito pagalingan o paramihan o tungkol sa sino ang merong taglay na nakahihigit sa isa.
d) Ito ay tungkol sa kapwa bukal-sa-loob na pagbibigayan ng dalawang panig (mutual deference).
Efeso 5:21
PASAKOP KAYO SA ISA’T ISA BILANG TANDA NG INYONG PAGGALANG KAY KRISTO.
e) Itong panguluhan at pagpapasakop ay hindi lang basta gampanin, kundi mga pamamaraan ng pagmamahalan nang buháy, sa pagtingin sa bawat isa bilang tunay na kapatid kay Cristo.
f) Ito ay kahingian para sa kaayusan (order), kaisahan (unity), at kapayapaan (peace) sa anumang grupo ng mga Kristiyano.
2. Karaniwang pag-ayaw (resistance) sa panguluhan at pagpapasakop
a) Ang paglaban o pag-ayaw ay nagmumula sa:
* maling pagkaunawa sa tunay na kalikasan nito
* isang reaksiyon o pagtugon sa naranasang sistema na inabuso
* hindi pagkaka-alam sa paano isasagawa ito sa mabuting paraan
* pag-aalala o pagkatakot sa magiging reaksiyon ng iba
* isang maling kamalayan tungkol sa pagpapakumbaba
* isang pag-iwas sa responsibilidad
* pagtatakwil o pagrerebelde sa nakasanayang mundo sa kasalukuyan
b) Madalas tayong nagpapatianod na lang sa isang pamumunong walang tukoy na responsibilidad at pagmamalasakit (informal leadership), o kaya ay simpleng pagpapatupad lang ng mga inaasahan o hinihingi (simple administration).
3. Kahulugan ng Panguluhan
a) Isa itong biyaya o kaloob ng Diyos para sa kaisahan at maayos na pagkilos ng isang grupo.
b) Ito ay isang paglilingkod. Kailangan itong paghirapan, pagpaguran!
c) Narito ang ilang gampanin o pagkilos (functions):
* upang mapanatiling kumikilos ang grupo bilang isa; pinapanatili ng pangulo (head) ang sama-samang pamumuhay bilang isang grupo at gayundin ang kaayusan ng mga gawain
* upang maingatan ang kultura o paraan ng pamumuhay; ang pangulo ay nagbibigay ng pagtatama kung kailangan, at tinitiyak na merong pagpapasya at pati pagpapatupad ng napagpasyahan
* upang matiyak na ang bawat indibiduwal ay pinagmamalasakitan at ang mga problema ay tinutugunan
* upang humarap sa Diyos bilang kinatawan ng grupo; upang ipagsamo (intercede) ang grupo sa harap ng Diyos
d) Hindi kinakailangan na ang pangulo ang nagpapasya ng lahat o gagawa ng lahat ng desisyon.
e) Ang pangulo ay hindi rin ang tanging tao na gagampanan ang lahat ng gawain o babalikatin ang lahat ng responsibilidad.
4. Kahulugan ng Pagpapasakop
a) Tumutukoy ito sa isang buháy at gumaganang relasyon. Hindi ito mapagpabayang pag-uugali o pag-iisip.
b) Kabilang dito ang:
* pagiging masunurin (obedience)
* pagtuwang (supporting) sa pangulo
* pagiging bukas o matapat sa pangulo (being open)
* pinapa-alalahanan at sinasalungat (admonishing and disagreeing) ang pangulo kung kailangan, sa magalang na paraan, na hindi tinutuligsa o sinusubok ang posisyon niya bilang pangulo
C. RELASYONG HUSBAND-WIFE (Husband-Wife Relationship) – Efeso 5:21 33
Efeso 5:21-33
PASAKOP KAYO SA ISA’T ISA BILANG TANDA NG INYONG PAGGALANG KAY KRISTO.
MGA BABAE, PASAKOP KAYO SA SARILI NINYONG ASAWA TULAD NG PAGPAPASAKOP NINYO SA PANGINOON. SAPAGKAT ANG LALAKI ANG ULO NG KANYANG ASAWA, TULAD NI CRISTO NA SIYANG ULO NG IGLESYA, NA KANYANG KATAWAN, AT SIYA ANG TAGAPAGLIGTAS NITO.
KUNG PAANONG NASASAKOP NI CRISTO ANG IGLESYA, GAYUNDIN NAMAN, ANG MGA BABAE AY DAPAT PASAKOP NANG LUBUSAN SA KANILANG SARILING ASAWA.
MGA LALAKI, MAHALIN NINYO ANG INYONG ASAWA NA GAYA NG PAGMAMAHAL NI CRISTO SA IGLESYA. INIHANDOG NIYA ANG KANYANG BUHAY PARA SA IGLESYA UPANG IALAY ITO SA DIYOS, MATAPOS LINISIN SA PAMAMAGITAN NG PAGHUHUGAS SA TUBIG AT SA SALITA. GINAWA NIYA ITO UPANG ANG IGLESYA AY MAIHARAP NIYA SA KANYANG SARILI NA NASA KAGANDAHAN NITO, WALANG ANUMANG DUNGIS NI KULUBOT MAN, BANAL AT WALANG ANUMANG KAPINTASAN.
GAYUNDIN NAMAN, DAPAT MAHALIN NG MGA LALAKI ANG KANILANG ASAWA TULAD NG SARILI NILANG KATAWAN. ANG LALAKING NAGMAMAHAL SA KANYANG ASAWA AY NAGMAMAHAL SA KANYANG SARILI. WALANG TAONG NAMUMUHI SA SARILI NIYANG KATAWAN. SA HALIP, ITO’Y KANYANG PINAPAKAIN AT INAALAGAAN, TULAD NG GINAGAWA NI CRISTO SA IGLESYA.
TAYO NGA’Y MGA BAHAGI NG KANYANG KATAWAN. GAYA NG SINASABI SA KASULATAN, “DAHIL DITO, IIWAN NG LALAKI ANG KANYANG AMA’T INA AT MAGSASAMA SILA NG KANYANG ASAWA; AT SILANG DALAWA AY MAGIGING ISA.”
MAYROON DITONG MALALIM NA HIWAGA, AT SINASABI KO NA ITO’Y TUMUTUKOY SA KAUGNAYAN NI CRISTO SA IGLESYA.
SUBALIT ITO’Y PARA DIN SA INYO: KAYONG MGA LALAKI, MAHALIN NINYO ANG INYONG ASAWA GAYA NG INYONG SARILI; MGA BABAE, IGALANG NINYO ANG INYONG ASAWA.
1. Itong panguluhan at pagpapasakop sa Banal na Kasulatan ay hindi lang isang nakagawiang paghahayag (cultural expression) noong kapanahunan ni Apostol San Pablo na hindi nababagay sa panahon ngayon; ito ay isang nagtatagal na saligan o prinsipyo na mula sa Bibliya.
a) Ang panguluhan at pagpapasakop sa kasal ay nakaugnay sa nagtatagal na relasyon sa Diyos bilang ulo (GODHEAD).
1 Corinto 11:3
NGUNIT NAIS KONG MAUNAWAAN NINYO NA SI CRISTO ANG ULO NG BAWAT LALAKI, ANG LALAKI ANG ULO NG KANYANG ASAWA, AT ANG DIYOS NAMAN ANG ULO NI CRISTO.
b) Itong panguluhan at pagpapasakop ay nakaugnay sa nagtatagal na relasyon ni Cristo at ng Simbahang Tao. (Efeso 5:22-25)
2. Ito ay nagmumula at tumutungo sa pagbibigayan ng dalawang panig na nakaugnay kay Cristo Jesus. (Efeso 5:21)
3. Pagpapatupad ng panguluhan
a) Ito ay isang gampanin at reponsibilidad na ibinigay ng Diyos.
* Hindi ito ipinapasa o isinusuko sa asawang babae; hindi rin ito ipinipilit.
* Ito ay ipinapatupad nang buháy o aktibo; kailangang buháy na tuparin ang mga kahingian, upang ang sukli o resulta ay buháy na maranasan.
b) Ito ay isang paraan para alagaan, mahalin, at bigyan ng pangangailangan ang mga tao at gawaing itinalaga sa bawat isa.
c) Ito ay pagsasakripisyo at paglilinis ng sarili. (Efeso 5:25)
* Walang lugar sa pagiging mapaniil (tyranny) o ‘kamay na bakal’.
* Kasama dito ang pagbibigay ng direksyon o gabay, na ang nasa puso ay ang paglilingkod.
4. Pagtupad sa pagpapasakop
a) Magpasakop, hindi dahil perpekto ang iyong asawa, kundi dahil ito ang iniatang ng Diyos na gampanan niya.
* Lahat tayo ay hindi perpekto, at tanggapin natin na ang relasyon sa panguluhan at pagpapasakop ay hindi rin ganap o perpekto.
* Ang usapin ng pagpapasakop ay napakadalang na tumatalakay sa moralidad o kabutihan; madalas, nakatuon tayo sa ‘ang paraan ko ang dapat masunod’ kung kaya ang usaping ito ay nagiging tungkol sa pagrerebelde natin at hindi tungkol sa alin ba ang tama.
* Ang pagpapasakop ay nasa lahat ng aspeto dapat. (Efeso 5:24)
* Siyempre naman, inaasahan na ang esposa (sister-wife) ay sinasabi ang saloobin, nagpapahayag ng sariling pananaw o pagtatasa, nagpapaliwanag, tumatalakay, o kahit pa makipagtalo. Pero ginagawa ang alinman sa mga ito sa maayos na paraan, na hinahanap ang tama.
b) Mga di-pinapahalata na paglalaban sa pagpapasakop:
* Nagpapasakop lang kapag sumasang-ayon ka.
* Awatin o pigilan siya sa pamamagitan ng di-pinapahalata na pagpapabigat ng kanyang kalooban (applying pressure).
– paghamon o pagpipilit nang emosyunal (emotional blackmail): “Masasaktan ako kapag ganyan ang mangyari.”
– pagtatampo o pag-iwas sa paglalambing (withdrawal of affection)
* “Ipagdarasal ko iyan.”: Mas madalas na ginagamit ito para umiwas sa pagpapasakop. Madalas, ang tunay na kahulugan nito ay “Hindi ko pa alam, kailangan ko ng pagkakataon para pag-isipan ang aking strategy.”
* Itinuturing ang pagsunod bilang pagsuko, at paglalagay ng kundisyon o pagrereklamo. “Papasakop ako, pero siguraduhin mong hindi ka magkakamali.”
c) Makatutulong sa bawat esposa na malaman na ang kanyang brother-husband ay napapaloob din sa panguluhan (kay Cristo, at sa nagpapastol sa CFC).
d) Ang pagpapasakop ay pagsikapang maging mapagpalaya at masaya.
D. PANGULUHAN AT PAGPAPASAKOP SA CFC
1. Ang sistema ng panguluhan at pagpapasakop ay bahagi ng plano ng Diyos para sa isang pamayanang sumusunod kay Cristo, kung kaya ganito rin ang pinatutupad sa CFC community.
1 Pedro 5:2 5
PANGALAGAAN NINYO ANG KAWAN NG DIYOS NA IPINAGKATIWALA SA INYO. GAWIN NINYO ITO NANG MALUWAG SA LOOB AT HINDI NAPIPILITAN LAMANG. IYAN ANG NAIS NG DIYOS. GAMPANAN NINYO ANG INYONG TUNGKULIN, HINDI DAHIL SA KABAYARAN KUNDI DAHIL GUSTO NINYONG MAKAPAGLINGKOD, HINDI BILANG PANGINOON NG INYONG NASASAKUPAN, KUNDI MAGING HALIMBAWA KAYO SA KAWAN. AT PAGPARITO NG PINUNONG PASTOL AY TATANGGAP KAYO NG MALUWALHATING KORONANG DI KUKUPAS KAILANMAN.
AT KAYO NAMANG MGA KABATAAN, PASAKOP KAYO SA MATATANDANG PINUNO NG IGLESYA. AT KAYONG LAHAT AY MAGPAKUMBABA SAPAGKAT, “SINASALUNGAT NG DIYOS ANG MAPAGMATAAS, NGUNIT PINAGPAPALA NIYA ANG MABABANG-LOOB.
a) Itong panguluhan at pagpapasakop ay para sa pansariling paghuhubog ng bawat miyembro (sa loob ng households).
* Ang ating natatanging pastoral na pagkakaayos: munting mga grupo ng sambahayan (cell groups, basic ecclesial communities).
* Natuto si Moises mula kay Jetro. (Exodo 18:13 26)
* Sa Couples for Christ, ang lahat ay nasa ilalim ng panguluhan; nagsisilbi itong proteksyon nating lahat.
b) Ang ganitong sistema ay para sa pagkakaisa, kaayusan, at kapayapaan sa katawan ng mananampalataya.
* Sa pamamagitan ng panguluhan at pagpapasakop, napapawi ang panukala o teoriya na “lahat ay may pananagutan sa lahat” — na sa katotohanan ay katumbas lang ng “walang sinuman ang may pananagutan” — na ang resulta ay kaguluhan.
* Napapawi din ang pag-aagawan ng kapangyarihan at pakikipagkumpetensya. Nabibigyang linaw kung sino ang responsable o may pananagutan, kasama na rin ang mga gampanin.
c) Ang ganitong sistema ay para mapagana ang paglilingkod o pagsagawa ng iniatang na tungkulin (service assignments) bilang isang pamayanan, isang katawan na tumutupad sa misyon at tunguhin (mission and vision) ng CFC.
* Marami ang service assignments sa CFC: household/unit/chapter head at leaders, CLP team head, service team head, course lead¬ers, atbp.
* Ang pangulo ay hindi mapagsaklaw sa lahat (dominating), o ginagawa ang lahat nang mag-isa. Ang gawain ng pangulo ay ang matiyak na makapaglingkod ang iba nang maayos at epektibo.
* Dinadala ng sistemang panguluhan at pagpapasakop na ito, ang maayos na pagkaka-pwesto ng isang hukbo; ang CFC ay hukbo ng Diyos. Ang pinagmulang-ugat ng salitang “submission” ay “ganap na pagkakaayos”. Ito ay nagmumula sa salita na gamit ng nasa sandatahang pandagat:
sub = pumailalim, lumubog
mission = paghayo, pakay, pagtupad
2. Pagpapatupad ng panguluhan sa CFC
a) Kahit ang itinalaga bilang pangulo ay mga lingkod, may kasamang tunay na kapangyarihan (authority) ang panguluhang ito, ayon na rin sa pagtatalaga ng CFC Council.
b) Ang panguluhan ay may kaakibat na responsibilidad o pananagutan, pagkukusa, at paglago ng mga pinapastol.
c) Laging merong hangganan ang panguluhan. Walang sinuman ang ganap na sumasaklaw sa kanyang kapwa.
* Walang bulag na pagsunod (blind obedience) sa sinumang itinalagang pangulo sa CFC.
d) Ang mabuting sistema ng panguluhan ay laging merong lugar para sa “appeal” o apela, ang panawagan sa muling pagsusuri at pagpapasya ng nakatataas.
* Ang apela ay maaaring ipahayag sa mismong pangulo na tinutukoy.
* Maaaring mag-apela sa nagpapastol sa pangulo (head’s head) kung kinakailangan at naaayon.
* Maaaring mag-apela hanggang sa pinakamataas na grupo ng mga nagpapastol (Board of Trustees).
3. Pagtupad sa pagpapasakop sa CFC
a) Walang bulag na pagsunod (blind obedience), walang mapagbayang asal; tayo ay nakakapagpasya pa rin kung ano ang gagawin at kung paano ba kikilos. Gayunman, ang mahalaga ay ang ugali (puso, diwa) ng pagpapasakop na ito.
* Isa itong pagkilala sa pinagkaloob na gampanin ng Diyos sa ating pangulo, sa kabila ng kanyang kakulangan at kahinaan (imperfection).
* Isa itong pag-iwas sa diwang mapagrebelde o pagkilala sa sariling kakayahang makapag-isa (independent spirit).
b) May kasamang tukoy na antas ng pagsunod itong pagpapasakop.
* Ito ay bahagi ng pagiging Kristiyano. Si Jesus mismo ay natutunan ang pagsunod, at ganap na masunurin.
* Tatalakayin natin ang dalawang asal tungkol sa pagpapasakop: una, ang “Pagsangguni sa Panguluhan” (Seeking Headship), at ang ikalawa naman ay “Pagpapasakop sa isang Aspeto” (Submit¬ting an Area).
* Pagsangguni sa Panguluhan: buháy o aktibong pagsangguni sa nagpapastol na pangulo at pagtuturing sa nakuhang payo o rekomendasyon nang higit sa isang paalala (advice) na napakinggan lang.
* Pagpapasakop sa isang Aspeto: pagsangguni sa panguluhan, na may pagkakaunawa na ang narinig ay dapat sundin (obedience).
4. Mula sa dalawang asal na nabanggit, merong apat na posibleng resulta ang pagpapasakop sa nagpapastol sa iyo sa CFC.
a) Pagpapasakop at pagsunod (obedience) lang sa mga kahingian (essentials) ng pagiging bahagi ng CFC. Kasama sa mga kahingiang ito ang:
= pagdalo (attendance) sa mga pulong
= pagsasabuhay sa Tipanan ng CFC (CFC Covenant)
= pagsunod sa mga polisiya at ibinababang direksyon ng CFC
= buhay-panalangin at pagbulay-bulay sa Banal na Kasulatan
= pagkilos tungkol sa masamang gawain at pagtutunggalian (conflicts)
= pangkalahatang relasyon sa loob ng CFC at tungkol sa CFC
= pagganap sa gawaing paglilingkod (service assignment) sa CFC
b) Pagsunod sa mga kahingian ng pagiging CFC member, at aktibong sumasangguni sa pangulo tungkol sa iba pang aspeto ng buhay (tulad ng pananaw sa pinagkakakitaan, paglalakbay, asal sa kalikasan at kapaligiran, at iba pa).
* Ikaw man o ang itinalagang pangulo na nagpapastol sa iyo ang magbukas ng usapin para talakayin.
c) Pagsunod sa mga kahingian, buháy na pagsangguni sa pangulo, at pagpapasakop sa ilang tukoy na aspeto sa sistema ng panguluhan sa CFC.
* Layunin: para sa paghuhubog; tulad ng paglaban sa tukso o pagwawagi laban sa kasalanan.
d) Ganap at kumpletong pagpapasakop ng sariling buhay sa panguluhan.
* Layunin: higit na malalim at tuloy-tuloy na paghuhubog ng katauhan papalapit sa larawan at halimbawa ni Jesus.
* Ang esposa at mga anak ay inaasahang merong ganitong relasyon sa esposo o ama.
* Sa CFC community, karaniwan na hindi tayo pumapailalim sa ganitong uri ng panguluhan at pagpapasakop.
E. PAGLALAGOM
1. Ang panguluhan at pagpapasakop ay pag-uugnay ng sarili o malalim na relasyon ng mga magkakapatid sa ngalan ng Panginoon.
a) Walang nakatakdang batas ng tao ang nagtitiyak na gagana ito nang maayos.
b) Gumagana ito kapag ang pangulo (head) at ang pinapastol (subordinate) ay nagmamahal sa isa’t isa bilang magkapatid. Kailangan na parangalan at igalang ang bawat isa.
c) Ang pangulo ay dapat nagmamalasakit sa kanyang pinapastol; ang pinapastol naman ay nagpapasakop nang bukal sa puso.
2. Ang panguluhan at pagpapasakop na ito ay kahingian upang maisakatuparan ang ating “vision and mission” sa CFC.
a) Ang pandaigdigang ebanghelisasyon at pagpapanibago ay magaganap lang kung kikilos tayo bilang isa.
b) Tulad ni Jesus, na ganap na nagpasakop sa kagustuhan at plano ng Diyos Ama, tanggapin natin ang lahat ng inilaan para sa atin, kasama na ang sistema at relasyong ito ng panguluhan at pagpapasakop.
– – – – – – –
Ang downloadable files ay nasa CFC Formation Track webpage.
Bro. Jason thank you very much s pagpost ng filipino version ng TALK #10 ng FCL. GOD BLESS YOU & your family.
Salamat brother sa pagsalin nito sa ating sariling wika…..
Salamat brother sa effort na eto, pagpalain ka ng Buong May Kapal.
Salamat kapatid
it is a very good weblog and i like it very much!