0

Household Leaders Training Talk 3 – Being Leaders of Households (Filipino Version)

 

PAGIGING PINUNO NG MGA SAMBAHAYAN (Being Leaders of Households)

 

 

A. PANIMULA

 

1. Kayo ay tinawag upang isagawa ang gawain ng Diyos sa CFC.

 

a) Ito ay napakahalagang gawain. Kayo ay pinuno ng saligang-grupo o pangunahing balangkas na nagsisilbing suporta sa lahat ng kasapi ng Couples for Christ.

 

b) Dapat kayong tumugon nang may pagpapakumbaba at nang ganap.

 

2. Kayong lahat ay bago sa ganitong uri ng pamumuno bilang pastol (pastoral). Ang Diyos ang siyang gumagawa ng pagbabagong ito.

 

a) Huwag ituring ang sarili na hindi karapat-dapat. Ang Diyos mismo na tumawag sa inyo ang siyang magbibigay-kalakasan sa inyo.

 

b) Kayo ay natututo at lumalago sa kakayahang makapaglingkod sa ganitong naiibang paraan. Araw-araw na umasa pa, na lalong umunlad sa tiwala sa sarili at sa iba pang kakayahan.

 

3. Kayo mismo ay nasa ilalim ng pangangalagang pastoral, hindi lang para sa inyong buhay kundi para na rin sa inyong gawaing-paglilingkod (service).

 

a) Tayong mga pinuno ng CFC ay hindi naglilingkod nang nakabukod sa isa’t isa, kundi bilang isang ugnayan ng mga pinunong pastoral na sama-samang naglilingkod.

 

* Palakasin ang kalooban (encourage) ng bawat isa.

* Matuto mula sa bawat isa.

* Kumilos hindi buhat sa pagkakaroon ng karibal o pagka-inggit.

 

b) Basta maging bukas sa mga nagpapastol sa iyo tungkol sa anumang aspeto ng iyong paglilingkod.

 

 

B. PAANO ANG PAKIKIPAG-UGNAYAN SA INYONG UNIT HEAD?

 

1. Unawain ang inyong relasyon sa kanya.

 

a) Siya ay may pananagutan sa iyo at sa bawat kasapi ng pinapastol mong grupo. Pwede mo siyang tawagin anumang oras para sa pagtuwang, payo, o panalangin. Siya ay para sa iyo, kakampi mo.

 

b) Ang kagustuhan niya ay ang makita kang lumago at umunlad sa iyong gawaing-paglilingkod at iyong buhay, gayundin ang makita ang iyong mga pinapastol na lumago sa Panginoon.

 

c) Huwag kayong mag-alinlangan na sabihin sa kanya ang iyong kinakaharap na problema sa pagpapastol sa iniatang na grupo sa inyo.

 

* Iwasang isipin na dapat ay laging maganda ang iuulat. Naghahanap tayo ng makatotohanang pagtatasa o pagsusuri upang makita ang kagustuhan ng Diyos para sa inyong grupo.

 

* Huwag bigyan ng proteksyon ang inyong grupo mula sa kanya.

 

2. Ano ang dapat ninyong pag-usapan ng inyong Unit Head

 

a) Ang HOUSEHOLD bilang grupo

 

* May maayos na ugnayan ba ang mga lalaki sa bawat isa? Mga babae?

* Malaya ba silang nakakapag-bahaginan sa bawat isa?

* Malaya ba silang nakakapagsamba nang sama-sama?

* May nagagawa ba sila nang magkakasama maliban sa HOUSEHOLD MEETING?

* Ano ang kanilang pangkalahatang pag-uugali tungkol sa CFC?

 

b) Bawat isa sa mga kasapi ng HOUSEHOLD

 

* Paano sila lumalago kay Cristo?

* Araw-araw na pananalangin?

* Relasyon sa kanilang asawa? Sa mga anak? Sa tahanan?

* Relasyon sa pamahalaan? Relasyon sa iyo at sa CFC community?

* Problema kung meron man.

 

c) Pagbubuo ng pastoral na tunguhin para sa HOUSEHOLD

 

* Maghanda ng ilang mithiin para sa HOUSEHOLD bilang grupo at talakayin kasama ang UNIT HEAD. Ano ang kailangan bilang grupo?

* Maghanda ng ilang mithiin para sa bawat isang kasapi ng HOUSEHOLD at talakayin kasama ang UNIT HEAD. Ano ang tukoy na kailangan ng bawat isa? Huwag magpadala sa kung ano lang ang nagugustuhan ng bawat kasapi.

* Sa parehong mithiin na nabanggit, magdasal, magnilay, at hanapin ang nais ng Diyos.

 

d) Ang inyong panahon at service

 

* Sapat ba ang panahon na mailalaan mo para sa iyong sarili, pamilya, kabuhayan, at service?

* Ano ang mga dagdag na kahingian ng inyong HOUSEHOLD na nakakabigat na sa inyo?

* Paano mo nararanasan ang iyong service? Lumalago ka ba sa pagtitiwala sa sarili? May aspeto ba na kailangan mo ng tulong?

 

 

PANANAGUTANG PASTORAL

 

 

Ang Unit Leaders ay nagsasanay at may pananagutan sa gawaing pastoral at pagkahubog ng members ng unit na ipinagkatiwala sa kanila.

 

Ibig sabihin, ang Household Leaders ay inaasahang bigyan ng paghuhubog ang kanilang members sa ganitong mga aspeto:

 

1. Mga MITHIIN (goals) – Filipos 3:14-16

2. Mga UGALI (attitudes) – 2 Timoteo 2:15

3. PAMAMARAAN (method) – Gawa 1:8

4. KASANGKAPAN (tools) – Efeso 6:10-18

5. PAMAYANAN (venue) – Gawa 4:32-35

 

At ang Unit Leaders naman ang inaasahang magpasya tungkol sa mga gawaing sasakop sa mga elementong iyan. Gayundin, ang Unit Leaders ang may pananagutan sa pagtatasa (evaluation) ng kahandaan ng members para sa ibang mga gawain (teachings, ministry, service positions), para maimungkahi at mapagdesisyunan ng Chapter Leaders.

 

Upang lalo pang maging simple kung ano ang gawaing pastoral ay ihahalintulad natin sa kultura sa isang paaralan – ang members ng HOUSEHOLD ay parang mga ESTUDYANTE; ang HOUSEHOLD LEADERS ang mga GURO; ang UNIT LEADERS ang siyang PRINCIPAL o SCHOOL ADMINISTRATOR.

 

Samakatuwid, ang mga Guro (Household Leaders) ang nagbibigay ng “training”, at ang mga Principal (Unit Leaders) naman ang bahala sa “evaluation” o “pagtatasa”, para “maka-graduate” o bigyan ng ibang katungkulan ang mga Estudyante (members).

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *