0

Isang Bukas na Liham Para sa mga Kapatid sa Gen San

August 28, 2014, nang makatanggap ako ng email mula sa ating mga kapatid sa CFC extended community, mga kapatid na pinagkatiwalaan para magpastol. Makikita pa ninyo ang comment sa ABOUT PAGE ng website na ito. Ibinabahagi ko naman dito ang aming sandaling palitan ng mensahe, dahil nang aking mabasa ulit ay pinalakas nito ang aking kalooban.. nawa, taglay ang gabay ng Espiritu Santo ay sama-sama tayong matuto mula sa ating mga nararanasan.. Matutunghayan dito ang liham ko:

 
www.legalgamblingage.net

 

  Kapayapaan ni Jesus na Panginoong Buhay!

 

 

  This is Jayson, the brother-husband of Sis. April Guevarra, and the owner-webmaster of CouplesForChrist.me ..

 

 

  Congratulations for being selected as Household Leaders!

 

 

  Salamat po sa pag-submit ng comment, sa pagtitiwala..

 

 

  Noong kaming mag-asawa ay nagsimulang maging facilitators ng CLP, at inihanda para maging pastol ng household.. napagkasunduan namin na gagawin lang namin kung ano ang inaasahan mula sa amin.. na iiwasan namin na maging masyadong malapit o “close” sa members na pinapastol, kasi nga ay nakita namin ang paghihirap ng kalooban ng aming unang Household Leaders noong kami ay maihihiwalay na nga ng grupo..

 

 

  Pero wala palang shortcut. Hindi pala pwedeng pumili lang ng gagawin.

 

 

  Magmamahal pala muna..

 

 

  .. at ang anumang gagawin, ang anumang pagkilos pala namin, ay bunga lang ng pagmamahal na ito..

 

 

  This is your message in the comment form:

  May I wish to have your motivational thoughts in strengthening my self and wife since we were selected as Household Leader here in our locality in Gensan. I hope you can reach me through me email address.

 

 

 

 

  Tuwing nabibigyan kaming mag-asawa ng pagkakataon para magbahagi ng karanasan, laging kasama sa nababanggit ko ang natutunan ko mula sa Talk 2 ng HLT.. na ang pagtanggap bilang Household Leaders ay ang totoong simula ng pagbabalik ng pagmamahal sa Diyos na unang nagmahal sa atin..

 

 

  Kaya uulitin ko po ito sa inyo:

 

 

  Walang shortcut.

 

 

  Kailangan ninyong magpastol para maging ganap ang pagsunod ninyo kay Jesus, para matupad ninyo ang kalooban ng Diyos.

 

 

  Naniniwala ako, na kaya kayo napili para sa ganyang naiibang paglilingkod, ay dahil sa nakitaan kayo ng kahandaan para “tumulay” ang pagmamahal ng Diyos patungo sa ibang mga tao na hindi pa ito nayayakap ng lubos..!

 

 

  Hindi simple. Hindi laging madali. Pero hindi naman iyan ang pangako ni Lord sa mga tumutugon eh..

 

 

  Ang pangako Niya: walang kapantay na kapanatagan at kasiyahan.

 

  Isaias 26:3 = Gusto mo ng kapayapaan?

  Lucas 5: 1-11 = Gawin mo muna.

  Isaias 43: 2 = Paano kung mahirap na?

  Juan 1: 39,46 = Halika, tignan mo.

  Juan 21: 15-19 = Sumunod ka sa akin!

 

 

  Kung sa palagay po ninyo ay merong mapupulot na aral ang inyong members sa website na ginagawa namin, paki-invite sila na matuto mula dito.. Kung paano po ako / kami pwedeng makatulong, sa email o sa text message po ay sisikapin namin na makipag-ugnayan sa inyo.

 

 

  Sa kahuli-hulihan, lagi po nating ipagdasal na mangyari ang nais ng Diyos..!

 

 

  Whatever you do, I PRAY you FIND that which you SEEK..!

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *