“Gusto kong maglingkod sa mga tao, gusto kong paglingkuran ang bayan,” ganyan ang madalas na sinasabi ng mga kandidato noon pa mang na-imbento ang pulitika, at ganyan din ang maririnig mula sa bibig nilang mga nanunuyo sa mga botante ngayong panahon na ng Philippine National Elections 2016.
Sa paghahanap ko ng paraan para timbangin ang mga “kalahok” sa “paligsahan” na ito na makaka-apekto sa aking pamilya gustuhin ko man o hindi, binalikan ko ang isa sa mga saligan ng gawain ni Cristo Jesus: ang turo tungkol sa pagmamahal sa kapwa.
Sa aking pagkakaunawa, ayon kay Jesus, ang tunay na paglilingkod sa kapwa ay naka-ugat sa pagmamahal. Sinubukan ngang itala o “i-record” ni Apostol San Pablo ang resulta ng mga unang pamayanan na nagpamalas ng pagmamahalan at paglilingkod sa bawat isa. At sa sulat niya sa mga taga-Corinto (1 Corinto 13: 4-8) ay ibinahagi niya ang mga katangiang lumutang na karaniwan sa bumubuo ng unang Simbahan.
Para sa akin ay magandang pundasyon ang listahan ng mga katangian dito, pundasyon ng aking pagtingin at pagtatasa sa mga nais bumalikat sa pinakamabigat na responsibilidad sa bansa:
Mga Katangian ng Tunay na Naglilingkod sa Kapwa
Mapagpasensya – Sinisikap niya na maging mabagal kung magalit. Nagsisikap din siya na mabigyan ng sapat na pagkakataon ang iba, o nilalawakan ang pang-unawa para sa kakulangan na nakita niya sa kanyang kapwa.
Magiliw / Mabait – Iniiwasan niya ang asal na mapagpuna. Nagsisikap siya na ang kanyang pagkilos at pananalita ay nakakapagpagaan ng kalooban o nakakapagbigay ng lakas ng loob para gawin ang tama.
Hindi Nananaglihi / Hindi Mainggitin – Iniiwasan niya ang matinding pagnanasa sa anuman ang meron ang iba. Iniiwasan niya ang magdamdam kapag ang iba ay merong nakuha o pag-aari na wala sa kanya.
Hindi Mapagmataas / Hindi Mayabang – Sinisikap niyang maging mapagpakumbaba. Iniiwasan niyang mag-isip o kumilos na nakatuon sa pansariling halaga lang. Iminumulat niya ang sarili sa kahinaan at kakulangan, upang hindi bumabad sa sobrang pagtuon sa pansariling merito, napagtagumpayan, o angking husay.
Hindi Magaspang ang Ugali – Sinisikap niya na magpataw ng pagdangal at paggalang sa bawat isa. Pinagmamapuri o kinikilala niya ang nagagawang mahusay ng iba, at inaaliw o nagbibigay ng pag-asa sa mga nakagawa ng kapos sa inaasahan.
Hindi Makasarili – Iniiwasan niyang pagtuunan lamang o unahin ang kanyang karapatan, bagkus ay sinisikap niyang matugunan ang kanyang tungkulin sa kapwa.
Hindi Mainitin ang Ulo – Sinisikap niyang makontrol o maawat ang sariling damdamin na nagdudulot ng padalus-dalos at madalas na maling pagkilos. Mabagal siya sa pagsimangot at mabilis sa pagngiti.
Pagkakaroon ng Pagpupunyagi – Sinisikap niyang bumuo ng kakayahang pasanin o kayanin ang anumang nangyayari o nararanasan niya.. hindi dahil sumuko na siya dahil wala siyang magawa, pero dahil isinasandal niya ang tagumpay sa pananampalatayang kasama niya ang Panginoon. Pinipili niya na gawin ang dapat, gawin ang tama, kahit na ba mas madali lang na piliin ang mali o ang magkasala.
Ano ang Score ng Kandidato Mo?
Opo, nabigyan ko ng score ang presidentiables na sina Binay, Poe, Roxas, at Santiago.
Mapapansin na interesado lang ako sa dami o bilang ng “results” at hindi ko na inalam kung maganda o pangit ba ang tinutukoy ng mga naturang “results.”
PAUNAWA: Merong posibilidad na kung isasagawa ninyo ang ganito ay iba-iba ang makita nating aktuwal na “results,” pero hindi naman masyadong malayo ang bilang o numero.
Ang sumunod na hakbang ko ay inilagay ko sa isang spreadsheet program na Excel ang mga nakuha kong datos, para malagyan ko ng pansariling kahulugan kapag nakumpleto ko na ang talaan o “table” na ito.
Sa unang “column” ay nakalista ang apelyido ng apat (4) na “presidentiables” at ang sumunod na limang “columns” ay ang mga napili kong kataga/ katangian na ikinabit ko nga sa mga pangalan. Sa “columns” na “A” hanggang “E” ay naglagay ako ng panibagong numero – 4 na puntos para sa nanguna (first) sa bawat katangian, 3 na puntos sa pangalawa (second), 2 na puntos sa ikatlong (third) pwesto, at 1 punto para sa huli (fourth/ last).
AT ANG RESULTA ayon sa datos/ mga numero na nakuha ko:
Para sa akin, ang mga natuklasan ko mula sa ginawa kong ito, ay merong mas malalim na kahulugan na naka-ugnay sa kung paano ginagamit ang isang “tool” na tulad ng Internet.
Panawagan Para sa Natatanging Pagtugon
Ang isang paraan na idadagdag ko pa para ipagpatuloy at tapusin nga ang pagninilay na ito tungkol sa sino ang dapat pagkatiwalaan ko ng aking boto – ay pagsusuri kung naaayon ba sa aking pananampalataya ang nakukuha kong datos.
Sa isang banda, umaasa ako na ang gawaing ganito ay magsilbing panawagan para sa mga palagian at matagalang naka-expose sa Internet, ikaw at siya at kayo na makabagong botante – para makiisa sa napakahalagang pagtatala na ito.
Magparehistro, magpa- Bio Metrics na tayo.
Magbantay, magnilay tayo.
Mag-COMMENT, paki-LIKE at TWEET at SHARE ang page na ito, dahil merong ambag at pananagutan ang bawat isa.
At sa 2016, bumoto tayo.
Dahil higit sa mga numero, buhay ng mga tao ang pinag-uusapan natin dito.