0

Mga Pagsamo sa Rosaryo sa Panahon ng Coronavirus

Unang Misteryo:

Ipanalangin natin ang proteksyon ng lahat ng nauunang tumutugon, mga doktor, mga nurse, mga nag-aalaga sa pinalubha ng coronavirus, mga frontliners. Para rin sa karunungan at gabay ng mga eksperto at mananaliksik na naghahanap ng bakuna at mabilisang pagtuklas sa sino ang maysakit. Aming Ina, Mapag-ampon sa mga Kristiyano, ipagsamo mo kami.

(For the protection of the first responders, doctors, and nurses who care for those made critically ill by coronavirus. For wisdom and guidance on those scientists and researchers seeking vaccines and rapid testing platforms. Our Lady, Help of Christians, intercede for us!)

Ikalawang Misteryo:

Ipanalangin natin ang ganap at agarang paggaling ng mga nagdurusa sa coronavirus. Para rin sa proteksyon ng kanilang pamilya, at lahat ng nanganganib na makakuha o makapagpasa pa ng virus. Isama natin ang ating mga mahal sa buhay, mga kakilala, mga idinulog sa atin (banggitin ang mga pangalan) para sa kanilang kagalingan at kalusugan, maging pisikal, pinansiyal, emosyunal, relasyunal, lalo na espirituwal. Aming Ina, Mapag-ampon sa mga Kristiyano, ipagsamo mo kami.

(For a full and speedy recovery for those suffering from the coronavirus. For protection of their family members and all those who are at risk of getting or transmitting the virus. Our Lady, Help of Christians, intercede for us!)

Ikatlong Misteryo:

Ipanalangin natin ang masaganang habag ng Diyos sa mga kaluluwa ng yumao dahil sa coronavirus, para rin sa katatagan at kaaliwan ng kanilang nagdadalamhating pamilya. Gayundin, para sa kapayapaan ng mga kaluluwa ng ating mahal sa buhay, mga kakilala, mga idinulog sa atin ng mga kapatid sa pananampalataya, pati ng lahat ng mga kaluluwa sa Purgatoryo. Aming Ina, Mapag-ampon sa mga Kristiyano, ipagsamo mo kami.

(For God’s abundant mercy on the souls of those who have died from coronavirus. For strength and consolation for their grieving families. Our Lady, Help of Christians, intercede for us!)

Ika-apat na Misteryo:

Ipanalangin natin ang proteksyon ng mga pinaka-nanganganib mula sa coronavirus, mga nakatatanda, mga mahina ang resistensya, mga naglakbay sa ibang bansa, at mga ibinukod para mag- quarantine. Para na rin sa mga lider ng lipunan, mga pinuno sa lahat ng antas ng pamahalaan at ng Simbahan, pati na rin lahat ng mga relihiyon; para ang kanilang pagpapasya at pagkilos ay maging kalugod-lugod sa Diyos. Aming Ina, Mapag-ampon sa mga Kristiyano, ipagsamo mo kami.

(For protection on those who are most vulnerable to coronavirus: the elderly, those with compromised immune systems, those who have been travelling abroad, those who are in quarantine. Our Lady, Help of Christians, intercede for us!)

Ikalimang Misteryo:

Ipanalangin natin ang mantel ng proteksyon para sa ating pamilya. Para sa tamang panahon at tamang pagkakataon, ang mga simbahan at paaralan ay muling mabuksan, at ang mga tao ay makabalik sa kanilang karaniwang gawain sa araw-araw, nang may mas malalim na pananampalataya at pagmamahal sa Diyos. Aming Ina, Mapag-ampon sa mga Kristiyano, ipagsamo mo kami.

(For our mantle of protection against this virus. For an expedient halt to the spread of the virus. For churches and schools to be reopened, and for people to be able to return to their normal daily activities with a deepened faith and love for God. Our Lady, Help of Christians, intercede for us!)

..

Paalala: translated version po ito ng intentions na ipinasa mula sa butihing Santo Papa Francisco.. meron na akong idinagdag ayon sa mga pagbabago sa kasalukuyan.. sa pagkilala natin na “spiritual” din ang kalabang di-nakikita, mahalaga na meron din tayong “spiritual” na sandata..

Nawa magamit ito ng inyong pamilya sa pagdarasal.. Godbless!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *