TALK No. 4 : PAGBUO NG RELASYON SA INYONG MGA KASAPI
(Building a Relationship with Your Members)
A. Panimula
1. Ang inyong gampanin bilang HOUSEHOLD LEADER ay maabot ang inyong mga kasapi at matulungan sila sa kanilang pagbuo ng relasyon sa Panginoon at bilang kapatid sa CFC Community.
a) Kaakibat nito ang tuloy-tuloy na ebanghelisasyon.
b) Ang batayan nito ay ang mapag-alagang relasyon sa bawat isa.
2. Ang pagiging HOUSEHOLD LEADER ay may kaakibat din ng tinatawag na “evangelistic headship” o pamumunong nakabatay sa ebanghelisasyon.
B. Elemento ng Evangelistic Headship
1 Tesalonica 2:7 12
NGUNIT NAGING MAGILIW KAMI SA INYO, TULAD NG ISANG MAPAGKALINGANG INA SA KANYANG MGA ANAK. DAHIL SA LAKI NG PAGMAMAHAL NAMIN SA INYO, HINDI LAMANG NAMIN INIHANDOG ANG AMING SARILI SA PANGANGARAL SA INYO NG MABUTING BALITA, KUNDI MAGING ANG AMING BUHAY AY IHAHANDOG DIN NAMIN.
MGA KAPATID, TIYAK NA NATATANDAAN PA NINYO KUNG PAANO KAMI NAGTRABAHO AT NAGSIKAP ARAW-GABI PARA HINDI KAMI MAKABIGAT KANINUMAN HABANG IPINAPAHAYAG NAMIN SA INYO ANG MAGANDANG BALITANG MULA SA DIYOS.
SAKSI ANG DIYOS, AT SAKSI RIN NAMIN KAYO, KUNG PAANONG NAGING DALISAY, MATUWID, AT WALANG KAPINTASAN ANG AMING PAKIKITUNGO SA INYO NA SUMASAMPALATAYA. TULAD NG ALAM NINYO, KAMI’Y NAGING PARANG AMA SA BAWAT ISA SA INYO. PINAYUHAN NAMIN KAYO, PINALAKAS NAMIN ANG INYONG LOOB, AT HINIKAYAT NA MAMUHAY NANG TAPAT SA PANINGIN NG DIYOS NA TUMAWAG SA INYO UPANG MAPABILANG SA KANYANG KAHARIAN AT KALUWALHATIAN.
1. Pagka-magiliw (talata ika-7)
a) Huwag maging masyadong mahigpit sa mga pagkukulang ng inyong pinapastulan sa HOUSEHOLD. Huwag maging padalus-dalos o hindi handang makibagay.
b) Maging tulad ng isang “mapagkalingang ina”.
* Maging mapagmahal at malumanay.
* Maging matigas kung may pangangailangan, pagkat kahit ang isang ina ay nagtatama.
2. Pagmamalasakit nang personal (talata ika-8)
a) Ang ugnayan na binubuo ninyo ay hindi lamang patunay ng iyong kapakinabangan bilang namumuno.
* Maging magkakaibigan kayo.
* Magmalasakit sa pinagmamalasakitan nila.
>>> Tanungin ang tungkol sa kanilang mga anak, anibersaryo, kabuhayan, personal na suliranin, at iba pa.
>>> Mag-ingat ng talaan o “journal” para hindi kayo makalimot ng mga aspeto tungkol sa kanilang buhay.
>>> Sa likod nitong lahat ay ang pagtatalaga sa inyong puso para mahalin sila.
b) Tayong lahat ay bahagi ng iisang katawan. Tayo ay nakikibahagi sa iisang uri ng pamumuhay.
* Ipahayag ninyo sa kanila ang inyong pananagutan sa kanila at ipabatid ang inyong pagnanais na mapaglingkuran sila.
* Bigyang-linaw na ang ugnayan ninyo ay tulad ng sa magkakapatid at paglilingkod sa bawat isa.
3. Pagka-matiyaga at pagsisikap (talata ika-9)
a) Laging subuking maabot ninyo sila. Isang pakikipaglaban ang pagpapanibago ng mga tao, at hindi ito mangyayari nang madalian o mabilisan. Sanaying makapamuno nang may pasensya.
b) Maging bukas at nakahanda para sa kanila. Magbigay ng pagkakataon na mapuntahan o makausap ka nila (ACCESS); turuan na maging makatuwiran din naman sila sa paghingi nila ng inyong panahon (tulad ng pag-iwas sa pag-istorbo kapag gabi na at oras ng pahinga, maliban na lamang sa panahon ng kagipitan).
c) Magkita kahit sa labas ng karaniwang oras ng pagtitipon.
* Kung may pagkakataon (o maaari din naman na gumawa kayo ng pagkakataon), bumisita sa kanilang tahanan o kung saan sila naghahanapbuhay.
* Magkaroon ng paglilibang na kasama sila.
4. Integridad – dalisay, matuwid, walang kapintasan (talata ika-10)
a) Sikaping maging tao na hindi mapupulaan.
b) Higit pa ito sa usapin na hindi kayo nagkakasala, kundi tumutukoy din sa pag-iwas sa anumang maaaring maging daan para mapulaan ang inyong ginagawang paglilingkod at kabuuang aspeto ng inyong buhay. subject you to criticism.
Halimbawa: >>> panghihiram ng pera
>>> pagpipilit na masunod sa lahat ng oras
>>> pagpipintas sa CFC
5. Pagpapalakas ng kalooban – encouragement (talata ika-11-12)
a) Tulad ng ama sa kanyang mga anak; pagbibigay ng lakas ng loob, aliw (comfort), at suporta.
b) Tulungan sila upang higit na makilala ang sarili nila.
* Magbanggit ng mga kapaki-pakinabang na bagay tungkol sa mga paghihirap.
* Bigyan sila ng paliwanag o pananaw kung ano ang dahilan sa paggawa nila ng mga bagay na ginagawa nila.
* Suriin at bigyang-pansin ang kanilang ginagawa, (tulad ng paano sila manalangin, kanilang pag-uugali sa mga pagtitipon, pamamahala nila sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay) at ipaalam sa kanila ang pagpapahalaga sa mga ito paminsan-minsan (GIVE INPUTS).
c) Maging maalam sa kanilang pinahahalagahan (pamilya, kalusugan, paaralan, pinagkakakitaan, atbp.).
* Ipabatid sa kanila na alam o binibigyang-pansin mo ang mga ito.
* Ipaalam sa kanila na bukod sa gusto mong gawin nila bilang pagbabago sa kanilang buhay, ay nagmamalasakit ka rin sa kanilang mga alalahanin.
d) Maging handa na makitawa at maki-dalamhati na kasama sila. Kilalanin ang nagpapasaya o nagpapalungkot sa kanila. Makiramay, makiisa.
* Sa panimulang pagkakataon na ang isang kasapi ay nagbubukas ng kanyang sarili, dapat ay madama niya ang inyong pag-alalay.
* Hindi nila dapat maranasan na nag-iisa sila sa pagbabagong nagaganap sa buhay nila; mahalagang maipadama sa kanila na nasa inyong puso ang kanilang kapakanan.
Mahalaga at dapat pansinin — ang mga tinutukoy na elemento o katangian dito ay tumutukoy sa kabuuang aspeto ng pag-aalaga na nagaganap sa loob ng pamilya. Kayong HOUSEHOLD LEADERS, sa ilang tukoy na pamamaraan at pagkakataon, ay hinihiling na kumilos bilang nanay, kapatid, at ama, ng inyong kasama sa HOUSEHOLD.
C. Resulta ng Pamumunong Nakabatay sa Ebanghelisasyon
Inaasahang tugon ng mga miyembro ng HOUSEHOLD
1. Pagmamahal
a) Ganito ang panawagan sa bawat Kristiyano. Tayo ay tinatawag upang mahalin ang bawat isa bilang mga kapatid kay Cristo.
b) Ang mapag-alagang pakikipag-ugnayan ay nararapat lang na makadagdag at makapagpatibay sa pagmamahal ng mga miyembro sa mga nagpapastol nilang mga pinuno.
2. Pagtitiwala
a) Ito ang nagpapalaya sa mga kasapi upang bigyang-daan ang inyong pagpapastol.
* Maaari na nilang bitawan ang kanilang sobrang pagbibigay ng proteksyon sa sarili; ganito ang pag-alis ng “defense,” na hindi kailangan ng mga tao upang lumago sa buhay-pananampalataya.
* Ang resulta nito ay ang pagiging malaya upang ibigay ang kabuuan ng sarili sa panawagan ng Panginoon.
b) Ito ang nagbubukas sa mga kasapi upang makatanggap ng payo at karunungan mula sa inyong mga pinuno nila.
* Sila ay higit na nagiging handa upang madinig ang mensahe ng Diyos na pinadaan sa inyo.
* Hindi na nangangailangan na suriin ang inyong sinasabi sa kanila.
c) Sa inyong karanasan na mabigyan ng tiwala, nagiging mas higit na malaya na kayo para maipagkaloob sa kanila kung anuman ang inyong natutunan.
3. Paggalang
a) Hindi sapat ang mahalin lamang, dahil ang kumpletong pagmamahal ay kailangan ang respeto. Kailangan ng galangan, upang ang nagpapastol ay maging epektibo sa pagpapanibago ng buhay ng iba.
b) Paano nakakamit ang respeto ng iba?
* Ipakita na ginagalang ninyo sila.
>>> Iwasang biguin sila.
>>> Makinig nang mabuti.
* Maging malinaw at maging matapat.
>>> Huwag paliguy-ligoy.
>>> Ipaalam sa kanila kung ano ang inyong nasa isip.
>>> Bigyan sila ng patas at matapat na pagsusuri.
* Tiyaking maging matigas sa pagkakataong may dapat na baguhin.
>>> Maging handa na manindigan, at minsan ay gumawa ng pagkakasunduan o pagsuko.
>>> Higit sa pagbibigay ng pagmamahal at payo, kailangan ding magbigay ng pagtatama o pag-aawat kung kinakailangan.
* Huwag maging “alam ang lahat”.
>>> Totoo namang hindi mo alam ang lahat at hindi mo mabibigyang-slousyon ang lahat ng problema. Maging handa na sabihing “Hindi ko alam”.
>>> Huwag manubok o magkunwari. Babalik ito sa inyo at lalabas pa na kulang ang inyong kredibilidad.
Kung ang mga nabanggit na tugon ng mga kasapi ay nangyari nga, ang resulta ay ang pagiging higit na bukas nila sa salita ng Diyos sa pamamagitan ng mga pinunong nagpastol sa kanila; sila ay nagiging higit na bukas sa pagkilos ng Espiritu Santo.
1 Tesalonica 2:13
KAYA NGA, PALAGI KAMING NAGPAPASALAMAT SA DIYOS, SAPAGKAT NANG IPANGARAL NAMIN SA INYO ANG KANIYANG SALITA, HINDI NINYO ITO TINANGGAP MULA SA TAO, KUNDI BILANG TUNAY NA SALITA NG DIYOS, AT ANG BISA NITO’Y NAKIKITA SA BUHAY NINYO BILANG MGA SUMASAMPALATAYA.
D. Paglalagom
1. Kayo ay nagtataglay ng PRIBILEHIYO o natatanging karapatan na gabayan ang mga bagong kasapi ng CFC sa kanilang pagbabagong-buhay para sa Panginoon.
a) Seryosohhin ang responsibilidad na ito.
b) Isandal ang inyong pananampalataya kay Jesus.
2. Ang mga tao ay lumalago sa pagtitiwala sa kanilang sarili at sa kanilang mga pinuno habang nakikita nila ang paglago ninyo sa kabanalan at sa kaganapan ng pagiging Kristiyano.
a) Nararapat lang na kayo mismo ay lumago sa inyong sarili. Kayo ay inaasahang maging huwaran at halimbawa para sa iba.
1 Tim 4:12 16
HUWAG MONG HAYAANG HAMAKIN KA NINUMAN DAHIL SA IYONG KABATAAN. SA HALIP, SIKAPIN MONG MAGING HALIMBAWA SA MGA MANANAMPALATAYA, SA IYONG PAGSASALITA, PAG-UUGALI, PAG-IBIG, PANANAMPALATAYA, AT MALINIS NA PAMUMUHAY.
b) Kailangang maipaalam sa kanila, na kayong mga itinalagang pinuno nila ay may kakayahang ihatid sila sa hangganan kung saan kayo dinala ng inyong Panginoong Diyos. Ihanda ang sarili upang magkaroon ng karapatan na inyong masabi sa kanila:
“TULARAN NINYO AKO, GAYA NG PAGTULAD KO KAY CRISTO.”
(1 Corinto 11:1)
Maraming Salamat Po
Thanks a LOT Bro. Jayson
You did a good job .