0

One Global Data Training Notes

 

 

NILALAMAN:

 

1) ANO ANG OGD?

1.1. Paglalarawan

1.2. Ang OGD ay Hindi.. Kundi..

1.3. Websites ng OGD

2) OGD BILANG DATABASE

2.1. Katangian ng Database

2.2. Napapanahon at Naaayon

2.3. Protektado (Secure)

2.4. Madaling Isaayos

3) OGD BILANG KASANGKAPAN

3.1. Pagpapastol

3.2. Ebanghelisasyon

3.3. Pagtatasa

4) MGA TAO SA OGD

4.1. Sino ang Merong Access sa Database?

4.2. Servant o Administrator o Encoder?

4.3. Ano ang Kahingian Upang Maging Database Administrator?

5) MGA ISYUNG MAPAGGAGAMITAN NG OGD

5.1. Pagiging Kasapi (Membership)

5.2. Tithes

5.3. Pagiging Pinuno (Leadership)

6) INAASAHANG HAKBANG

6.1. Talakayan (Discussion Points)

6.2. Pagdalo (Household Attendance)

 

 

PAUNAWA: Hindi ipinapalagay o ipinagkakalat na ang nakalagay dito ay “official” na mula sa Evangelization and Mission Planning Office (CFC-EMPO). Ang nakatala dito ay batay sa narinig at natatandaan ng may-akda sa OGD Training Sessions para sa Couples for Christ Cavite, sa pangunguna ni Bro. Molong Nivado, na noong mga panahong iyon ay leader na nakatalaga sa gawaing ito. Gayunman, ang lahat ng nakatala at mga pagpapaliwanag ay pananagutan ng may-akda.

 

 

 

1) ANO ANG OGD?

 

 

1.1. Paglalarawan sa OGD

 

One Global Data, na pinaikling OGD, ang tawag sa programa ng CFC (Couples for Christ Global Mission Foundation, Inc.) para maitala ang mga kasapi at gawain (members and activities) nito.

 

OGD rin ang pangalan na tumutukoy sa mismong SISTEMA ng DATABASE (DATABASE SYSTEM) o lahat ng iba-ibang bahagi na bumubuo nitong makabagong talaan na ginagamit para sa pagtatala o pag-record nga.

 

Matatawag na sistema ang lahat ng bumubuo, tumutulong o nag-aambag para ang isang layunin ay magkaroon ng kaganapan – mula sa mga tao, sa mga kasangkapan (tools), makinarya (machinery or platform), anuman ang itinatala (whatever is being recorded), sa mga pamamaraan (techniques), hanggang sa mga resulta (outputs).

 

Dahil sa iba-ibang gawain at mga tao na napapaloob sa programang ito, ang OGD rin ay maaaring tumukoy sa ministri na nagpapatupad ng programa, at maaari rin namang tumukoy sa service-position (halimbawa, “Ako ang naka-assign sa OGD.”).

 

 

1.2. Ang OGD ay Hindi..

 

.. para lang makapagpagawa ng Identification card (printing of CFC ID).

.. isang simpleng listahan ng members (members directory).

.. nakalaan na gamitin ng nakababatang mga ministri.

.. isahang pagtatala ng members at mga gawain.

 

Kundi..

 

Natutugunan man, higit sa mga nabanggit sa itaas, ang OGD ay kasangkapan para sa iba-ibang aspeto ng pagiging CFC, lalo sa pagpapasya at pagkilos para maisagawa ang misyon ng Ebanghelisasyon, pagdami ng aktibong kasapi, at paglago sa buhay-Kristiyano:

 

Ang unang malaking hakbang (OGD Stage 1) ay nakatuon sa MEMBERSHIP..

.. demographics = edad, tirahan, edukasyon, gawain, atbp.

.. pakikilahok sa mga gawain ng CFC

.. pananamlay sa members (inactive members)

.. mga bagong members

.. mga paggalaw at pagbabago (movements and transitions)

 

Ang sumunod na malaking hakbang (OGD Stage 2) ay nakatuon sa HOLINESS..

.. pagdami ng leaders

.. katapatan sa pagdalo (attendance) sa Household meetings ng lahat

.. katapatan sa pagbibigay ng tithes

.. katapatan sa attendance sa paghuhubog (formation, teachings)

 

Makatutulong ang OGD para sa tumpak na paglalagom (accurate conclusions), na magdudulot ng nagabayang tahakin (guided aspirations), para sa naliwanagang pagkilos (enlightened actions).

 

 

1.3. Websites ng OGD

 

Upang mabuo ang DATABASE SYSTEM at upang mapanatili na rin ang pagiging protektado o security nito, merong 3 (tatlo) na websites na nakapaloob dito:

 

 

CFC Global Main Website

 

Sa www.couplesforchristglobal.org na pangunahing website ng CFC ay matatapuan ang pinakamahalagang pampublikong detalye o information (public info) na bukas para malaman ng lahat. Narito ang mga balita, mga paglalahad tungkol sa mga gawaing natapos at kasalukuyang pinagkaka-abalahan ng CFC bilang isang mapagpanibagong grupo at pamayanang sumusunod kay Cristo Jesus.

 

Ang sinuman, kahit di-kasapi (non-CFC) ay maaaring mag-register at mag-login dito sa www.couplesforchristglobal.org, pero tanging CFC members lang ang pwedeng makakuha (download) ng digital materials.

 

Upang “kilalanin” ng main website na CFC member ang gumagamit nito, kailangan munang mai-register sa Members Database (www.cfcglobaldata.com) website.

 

Members Database Website

 

Sa www.cfcglobaldata.com na database website isinasagawa ang mismong pagtatala o pag-record. Maituturing na ito ang “pintuan” ng kabuuan ng OGD bilang DATABASE SYSTEM, dahil dito nagdadagdag at nagbabago ng “records”, members o gawain man.

 

Ang CFC members ay nagpapa-register sa database sa pamamagitan ng mga itinalaga na ENCODER o DATABASE ADMINISTRATOR; itong Encoder ay inaasahang kabilang sa Chapter-community na kumakatawan sa database ng nasabing Chapter-community din.

 

Kapag nai-register na ang members ay automatic na merong makukuhang Identification (ID) number mula sa software na ginagamit. Ito ay nakakabit naman sa isang email address at ang password ay automatic din na naipapadala sa email address na ito.

 

Kapag nakuha na ang assigned ID number, ang registered member ay pwede nang mapakinabangan ang privileges ng paggamit sa Main Website (www.couplesforchristglobal.org) at Members Portal (www.cfchomeoffice.com).

 

Bukod sa pagkumpleto at pagdalo sa iba-ibang teachings sa ilalim ng CFC Formation Track, kasama sa pinakamahalagang itinatala sa Database Website ang suportang pampinansiya (tithes) ng members.

 

Members Portal Website

 

Sa madaling pagtingin, ang www.cfchomeoffice.com na Members Portal ay masasabing Online Social Networking Platform na tulad ng Facebook at Linkedin.

Ang pinagkaiba naman sa pagkakabuo ng website na ito ay pag-aayon nito sa mga karaniwan o madalas na gawaing pinagkaka-abalahan ng bawat CFC member, tulad ng pagdalo (attendance) sa household meetings at teachings.

 

 

 

2) OGD BILANG DATABASE

 

 

2.1. Katangian ng Database:

 

> > > nakaayos (organized and standardized) para makuha ang lahat ng mahalagang impormasyon ng members (members info)

 

> > > ang pagkaka-grupo ay sa antas ng Chapter (Chapter-community level, Chapter Leaders ang pinakamataas na service-position)

 

> > > hindi kailangan na baguhin ang pagkakabalangakas (structure)

 

> > > ang pag-iisa ng data at kaganapan ay mabilisan o agaran (real-time) dahil sa paggamit ng Internet

 

> > > agarang nagagawa (automated) ang members ID number

 

 

2.2. Napapanahon at Naaayon (Timely and Relevant) upang pakinabangan ang Database dahil:

 

> > > mapupuntahan o mapapasok ito (accessible) kailanman at saanman sa pamamagitan ng Internet

 

> > > naitatala ang paglilipat-lipat (movements) at pagbabagu-bago (transitions)

 

> > > magagamit upang makapagpadaloy sa pagbabagu-bago kapag nagsasagawa ng muling-pagsasaayos ng grupo (re-organization)

 

> > > magagamit upang makakapagpadaloy sa pagtatasa at pagbuo ng plano para sa mga kahingiang pastoral at gawaing pang-Ebanghelisasyon

 

 

2.3. Protektado (Secure) ang paggamit ng Database dahil:

 

> > > tanging mga piling-piling tao ang merong kakayahang maka-access at makapagbago ng records

 

> > > nabibigyan ng proteksyon ang kasaysayan (historical info) ng gawain at pagkahubog

 

> > > ang mga antas ng Provincial, Sector, Cluster, at Chapter ay merong magkakaibang uri ng access at pagtukoy sa mga naitala na (para malaman ang “konteksto” ng mga kaganapan at mga pananagutan o “audit trails”)

 

 

2.4. Madaling Isaayos (Easy to Organize) itong Database sa pamamagitan ng mga hakbanging ito:

 

> > > pagbuo ng OGD team; ang pagkakabuo nito ay nagmumula sa napagpasyahan ng Provincial pababa sa Sectoral leadership, ayon sa kalagayan at kahingian ng grupong pinapastol nila

 

> > > simpleng pag-encode; pag-input o pag-type sa nakalap na members info

 

> > > simpleng paraan ng pagdagdag o pagtatala ng anumang pagbabago (updating)

 

 

 

3) OGD BILANG KASANGKAPAN

 

 

Itong One Global Data ay magagamit sa iba-ibang aspeto ng pagpapalago sa isang Chapter-community, ayon sa layunin; maaaring pakinabangan ang OGD sa pastoral na pagsasaayos at paghuhubog, sa pagpapalaganap ng Salita ng Diyos, at sa mga pagsusuri na magbubukas ng daan para magplano o magpasya sa naaayon na pagkilos.

 

3.1. Pagpapastol

 

> > > higit na pagkaunawa sa karaniwang gawi (usual activities), mga nakaka-apekto (tulad ng lugar o “environment”), at pinapahalagahan (values) ng members, tulad ng tirahan, kaarawan, mga anak at kaarawan ng mga ito, propesyon o hanapbuhay, atbp.

 

> > > maaaring planuhin ang pagsasama-sama ng members ayon sa pagkakalapit ng tirahan, uri ng pinagkakakitaan, edukasyon, atbp.

 

> > > maaaring makita ang sipag o katapatan sa pagdalo sa mga gawain tulad ng Household meetings at teachings

 

> > > maaaring matukoy ang mga merong kakayahan o potensyal para magpadaloy sa CLP (Christian Life Program), o maisasama sa Music Ministry, pati na rin ang merong pagkiling o puso para sa iba pang tukoy na ministri upang mabigyan ng paghuhubog

 

> > > gayundin, maaaring mahikayat ang members para maglingkod sa parokya na kinabibilangan at maisama sa kanilang paglago, kasabay ng pagpapatatag ng ugnayan ng CFC sa Simbahang Katoliko

 

 

3.2. Ebanghelisasyon

 

> > > sa pagtingin sa mga tirahan ng kasalukuyang members ay maaaring maisama sa plano ang lugar o teritoryong nasasakupan para sa susunod na CLP o gawain ng iba pang ministri (tulad ng Kids Camp ng Kids for Christ, Walk for Scholars, atbp.)

 

> > > sa pagtingin sa lugar ng hanapbuhay o karaniwang pinupuntahan ng kasalukuyang members ay maaaring maisama ang mga ito para sa susunod na mga gawain

 

> > > sa pagtingin sa propesyon o hanapbuhay ng members, maaaring maisama ito sa anuman ang ipagkakatiwala na ipagawa sa bawat isa, bilang bahagi ng pagiging malikhain na maipakilala si Jesus sa mga tao

 

 

3.3. Pagtatasa

 

> > > maaaring matukoy ang teachings na hindi pa nakukuha ng nakararami upang unahin ito sa ibibigay o paghahandaan

 

> > > makatutulong ito sa re-organization; maaaring matukoy ang members na maaaring handa na upang itaas ng service-position, o ilipat ng Household Group, o magpastol sa ibang grupo ng members (halimbawa, nagpalitan ng Unit Group na pinapastol)

 

> > > magkakaroon ng pagkaunawa sa unti-unting paglago sa aspeto ng suportang pampinansiya (tithes), at mapaghandaan kung paano maipagpapatuloy o mapapaigting ito

 

> > > maaaring tasahin ang mga gawain (“the performance”) at mga nagsagawa (“the performer”) upang makita ang matagumpay na aspeto at maisama sa pagplano para sa hinaharap; tukuyin ang dami ng tumutugon, ang mga karaniwang tumutugon, ang lugar at panahon kung saan at kung kailan madami ang nakikiisa, atbp.

 

> > > maaaring sakop ng aspeto ng pagpapastol at Ebanghelisasyon ang iba pang kaganapan o mga tao na kailangang sumailalim sa pagsusuri

 

 

 

4) MGA TAO SA OGD

 

 

4.1. Sino ang Merong Access sa Database?

 

Dahil sa access sa isang Chapter Database, na merong kaugnay na mabigat na pananagutan at tungkulin, unang binigyan ng training ang Chapter Leaders para sila na ang mag-document o gumamit ng Members Database Website para itala ang nagaganap sa Chapter-community.

 

Pero kinikilala na maaaring hindi lahat ng umabot sa Chapter-level na service-position ay merong kakayahan o sapat na oras na matutuhan ang makabagong pamamaraan, at iniiwasan na madagdagan ang mga kahingiang administrative na gampanin, kung kaya nagtatalaga na ng Chapter Encoder.

 

 

4.2. Servant o Administrator o Encoder?

 

Noon, merong itinatalaga bilang Chapter Servant, isang service-position na nagsisilbing tagapagtala, tagapaglista at tagapag-paalala sa mga gawain ng Chapter-community. Sa pagsisimula ng Database, ganito rin ang tawag sa service-position ng tao na merong access.

 

Hindi nagtagal, ang ganitong gawain ay tinawag na Chapter Database Administrator upang ipasa ang “administrative aspects” at matulungan ang Chapter Leaders sa pagpapatupad ng kanilang gampanin. Ngunit upang mapalutang ang tungkulin ng pagtatala sa isang Database, ang service-position para dito ay tinawag ding Encoder, na mas simple nga naman.

 

 

4.3. Ano ang Kahingian Upang Maging Database Administrator?

 

Maaaring makita ang pamagat na “ENCODER” bilang tawag sa pinaka-basiko o first-level na access sa Database; ang username at password ay karaniwang ipinagkakaloob sa Chapter Leaders at sa isang Database Administrator. Meron pang mas mataas na access na makakapagbago o magtanggal sa nagawa ng “ENCODER ACCESS LEVEL” at karaniwang ipinagkakatiwala ito sa mas mataas na service-position kaysa sa antas ng Chapter.

 

Maaaring makita ang “DATABASE ADMINISTRATOR” bilang ang mismong tao, ang mismong merong pananagutan bilang itinalaga sa service-position.

 

Sa pagtatalaga ng Chapter Administrator, inaasahan na nagpapamalas ang member ng mga katangiang ganito:

 

> > > malago sa buhay-pananampalataya (spiritually mature); hangga’t maaari ay nagampanan na nang kasiya-siya ang service-position na mas mataas sa Household Leader, Unit-level na o iyong Household Leaders na nakapaggabay na rin ng mga bagong leaders sa ilalim ng kanilang pagpapastol

 

> > > mapagkakatiwalaan (credible); upang mag-ingat sa maselang datos

 

> > > merong pagsasanay sa paggamit ng mismong OGD websites

 

> > > merong sapat na kaalaman sa kabuuan ng sistema ng OGD; merong kakayahang ipatupad ang hinihingi ng Database upang masalamin ang nagaganap sa mismong Chapter-community, at anumang nagaganap sa Chapter-community naman ay masalamin sa mismong Database

 

> > > hindi man malinaw o walang opisyal na paghahayag, madalas na ginagampanan ang ganitong service-position ng isang couple pa rin

 

Gayunman, sa pagsusubok pa rin na maituro at mapalaganap ang paggamit ng OGD sa pinaka-mabilis na paraan, ang pagiging Chapter Encoder ay pwede ring ipagkatiwala sa mga madalas na nakaharap sa makabagong teknolohiya, sa kanilang members ng mga nakababatang ministri ng CFC (Youth for Christ at Singles for Christ, kung saan nagsimula ang pagbuo ng OGD).

 

Kung kaya kapag merong pananagutan sa mga pagkilos at kasama sa pagmumungkahi upang makabuo ng mga desisyon ang Chapter Leaders, ang naghahawak ng access sa Chapter Database ay maituturing na leader. Kapag tungkol lang talaga sa wastong pagka-encode ang ginagawa, ang member ay walang pananagutan o responsibilidad bilang leader.

 

Sa pagbuo ng paglalahad na ito, ang pagiging ENCODER o DATABASE ADMINISTRATOR sa antas ng Chapter ay isang “extra mile” na gawain. Kung kaya, hindi ulit kasama ang ganitong service-position sa mapagpipilian na maitalaga sa record ng CFC members sa mismong Members Database Website, kumpara sa naunang “version.”

 

 

 

5) MGA ISYUNG MAPAGGAGAMITAN NG OGD

 

 

5.1. Pagiging Kasapi (Membership)

 

> > > Maaaring merong kaganapan na naka-apekto sa nagpapastol (leaders) o mismong members, tulad ng pagbabago ng tirahan, oras sa trabaho, sakit o iba pa, na hindi naman naisama sa plano ng Chapter-community dahil biglaang nangyari.

 

> > > Sino ang hindi kasama sa isang Household Group? Lahat ng CFC member ay kasama dapat sa isang Household. Kapag hindi malinaw ang grupong kinabibilangan, mataas ang panganib ng pag-alis ng members.

 

> > > Ang members na umalis ay nababawasan (nang todo-todo!) ng pagkakataon na mahubog at maanyayahan na maging leaders, na nagsisilbing panganib sa paglago at pagdami ng members na aktibo.

 

 

5.2. Tithes

 

> > > Karaniwang dami ng tao na nagbibigay ng tithes ay tumutukoy kung nasaan ang komunidad sa pastoral na pagkahubog.

 

> > > Ang leaders na nagkakaloob ng tithes ay mabuting modelo. Ang leaders na nabibigong magkaloob ng tithes ay isang usaping pastoral.

 

> > > Kapag wala o kaunti ang nagbibigay ng tithes sa Chapter-community, maaaring..

.. hindi naipaliwanag nang husto o kulang sa paghuhubog;

.. walang nagaganap na Prayer Assembly o CLP o iba pang gawain kaya hindi nagkikita-kita ang members;

.. nawawala o hindi naibibigay sa kinauukulan ang natatanggap na tithes;

.. wala na palang leaders, wala na palang Chapter-community.

 

> > > Ang pagbibigay ng tithes ay nangangahulugan na tumataya na tayo sa Ebanghelisasyon at sa gawain ng Panginoon.

 

 

5.3. Pagiging Pinuno (Leadership)

 

> > > Ang leaders na walang Lower Household ay maaaring maitalaga bilang tagapagpadaloy ng CLP (facilitators). Habang mas maraming leaders ang nakakuha na ng mga paghuhubog at karanasan, mas maraming CLP ang maaaring maisagawa sa lalong madaling panahon. Lower Household ang tawag sa grupo na pinapastol ng leaders. Upper Household ang tawag sa grupo na nagpapastol sa leaders.

 

> > > Sa CFC na isang enlightened community, tayo ay nagiging leaders hindi dahil sa posisyon kundi dahil sa paglilingkod. We are leaders not because of the position, but because of the service.

 

 

 

6) INAASAHANG HAKBANG

 

 

Ang leaders ng iba-ibang Pastoral Areas ng CFC, hanggang sa mismong Chapter Leaders, ay magagamit na ang Database para sa pagpapalago ng kanilang pinapastol na grupo. Dapat na isama ang mga matutuklasan mula sa Database bilang mga usapin o para sa talakayan (discussion points) sa Service Meetings.

 

Ang Household Leaders naman ay magagamit na ang Members Portal para maitala ang pagdalo (attendance) ng pinapastol na Household Group.

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *