0

Pagtatasa sa Gawaing Paglilingkod

   

   

Mga Kasangkapan sa Pagtatasa (Evaluation Tools)

   

   a. CLP Talk 10: Paglago sa Buhay sa Espiritu Santo

    > > > Panalangin (Prayer)

    > > > Pag-aaral (Study)

    > > > Paglilingkod (Service)

    > > > Pagsasalu-salo (Fellowship)

    > > > Pakikinabang (Sacraments)

   b. Covenant Card

   c. Time, Talent, Treasure

   d. FCL Talk 10 (Headship and Submission)

   e. Household, Assembly, Meeting, Gathering

   f. ONE GLOBAL DATABASE = makabagong kasangkapan sa pagtatasa

    > > > Teachings

    > > > Tithes

    > > > Groupings and Organization: Fa-Min, So-Min, Board of Elders

   g. Ang unang pag-attend mo sa teaching ay “pag-aaral” pa lamang; kapag naulit ang pagdalo mo (tulad ng HLT sessions at iba pang formation training), maituturing na ito na bahagi ng “pagtatasa” dapat.

   

Paalala: Pansamantala Lang ang Service-Position Mo

   

   a. Kung itaas, pagkakataon ito upang mas marami ang mapaglingkuran.

    > > > huwag muna tanggihan, ipanalangin para makayanan ito

    > > > maging mapagpakumbaba dahil tinawag ka para gumanap sa isa na namang pansamantalang gawain

   

   b. Kung ilipat, pagkakataon ito upang ang ibang grupo ay mapaglingkuran.

   

   c. Kung ibaba, huwag maghinanakit dahil hindi ito tungkol sa iyo. Maaaring nagawa mo na ang pinagagawa sa iyo, at pagkakataon ito upang maranasan ng iba ang kasiyahan sa paglilingkod tulad ng kung paano ka hinirang.

    > > > huwag naman maging dahilan ito ng pagtigil mo sa paglilingkod

    > > > huwag naman maging dahilan ito upang himukin ang iba na tumigil sa paglilingkod

   

   d. Kung nagtagal na, bakit? Hangarin mo ang paglago, ang pagbabago.

   

DON’T STOP, GROW UP! DON’T GIVE UP, GROW UP!

   (Mga Tulong sa Pagninilay at Pagtatasa)

   

a) Exodo 18:13-26 = Natuto si Moises mula kay Jetro.

   

b) Aklat ng Mga Bilang

    > > > Ang Diyos ay Diyos ng bilangan! Tayong mga tao ang nagpauso ng sumbatan; at madalas niyayakap natin ang ganitong pananaw kapag tayo ang nagkukulang sa pag-aambag o pagtulong magbuhat ng krus ng pamilya.

    > > > Sensus: mga pagtatala

    > > > Ulat, Utos, Tuntunin, Kultura, Kasaysayan

   

c) Awit 139:23-24 = Ako ay siyasatin kung tapat!

   

d) Kawikaan 12:1,15 = tumanggap ng payo upang lumago

    > > > tunay na talino ay pagkilala sa Diyos (9:10)

    > > > matuto mula sa mga matalino (13:14)

   

e) Pagdaan sa apoy upang dumalisay

    > > > Ezekiel 22:20a

    > > > Job 23:10

    > > > 1 Pedro 1:7a

   

f) 1 Corinto 4:21 = gusto ninyo ng pamalo o mahinahon lang?

   

g) 2 Corinto 13:5 = subukin, suriin ang sarili

   

h) Efeso 5:21 = Pasakop kayo sa isa’t isa bilang tanda ng inyong paggalang kay Cristo.

   

i) 1 Pedro 5:8 = maghanda at magbantay

   

j) Galatia 6:4 = suriin ang sarili, huwag maghambing, palutangin ang mabuti

   

k) LPG Talk 1: Our Basic Commitment

    > > > Epektibo ba ako? Mahal ko ba ang Diyos?

    > > > Hindi lang dapat puro pag-attend, ibahagi ang buhay bilang pastol.

   

l) LPG Talk 3: Governance and Personal Direction

    > > > Kung ganap na maunawaan ang pamamahala sa CFC, maaaring pagmulan ng maraming puna, na sana ay mapaglingap na puna.

   

m) LPG Talk 5: Unity and Disagreement

    > > > Magkaroon man tayo ng pagtutol at pinagtatalunan, inaasahang pamahalaan natin ang mga ito sa paraan na pinalulutang ang pagmamahal at katapatan.

   

n) 1 Hari 3:9 = Karunungan ay pamamahala at pagkilala ng tama at mali

   

o) Pagtatasa ay pag-uusap nang maayos para sa kaayusan

    > > > Pedro at Pablo: “Sino ang dapat mamuno?” ay naging “Bakit tayo naglilingkod?”

    > > > Konstantino at Sumasampalataya: pagkilala sa Simbahang Katoliko

   

p) Covenant Orientation, HLT, MERs, ULT, CLT = mga pagkakataon upang magtasa

   

Halimbawa ni Moises: Mula sa Pagtalima, Pagtatasa, Hanggang Pagtanggap ng Gantimpala

   

   Matapat siyang sumunod, pero hindi siya nakarating sa Lupaing Pinangako dahil nilinis siya sa kanyang mga agam-agam at kasalanan.

   

   Gayunman, alam natin na higit ang gantimpala na nakamtan niya, at patotoo nito ay noong kausapin si Moises ni Jesus kasama si Elias; pinaliwanag ni Jesus sa mga alagad na ang Diyos ay Diyos ng mga buháy.

   

   Ganito ang uri ng gantimpalang naghihintay sa atin na sumasampalataya at sumusunod.

   

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *